Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Arellano mapapanatili ang lakas sa next season

090815 thompson jalalon amer

TATLONG guwardiya buhat sa kasalukuyang season ng National Collegiate Athletic Association (NCAA) ang nakabilang sa Philippine team na nagkampeon sa nakaraang Singapore Southeast Asian Games.

So, masasabing napakalaking karangalan iyon para sa pinakamatandang  liga sa bansa.  Biruin mong sa balikat ng kanilang mga manlalaro naiatang ang responsibilidad ng paggiya sa RP Team. At nagtagumpay naman ang ating koponan dahil sa nakopo natin ang gintong medalya sa paligsahang iyon.

Matapos ang SEA Games ay nagsibalik ang tatlong manlalaro sa kani-kanilang school teams. Bumalik si Amer sa defending champion San Beda Red Lions, si Scottie  Thompson sa Perpetual Help Altas at si Jiovani Jalalon sa Arellano Chiefs.

Pero sa mga unang bahagi ng season ay nagtamo ng injury si Amer at na-miss niya ang maraming games sa first round.  Mabuti na lang at hindi lubusang nakaapekto sa Red Lions ang kanyang pagkawala dajil sa nanatili sila sa itaas ng standings.

Sa pagkawala ni Amer, natuon ang pansin ng lahat kina Thompson at Jalalon na patuloy na nagpakita ng kakaibang galing sa hardcourt.

Sa kasalukuyan, si Thompson ay nakapagtala na ng limang triple doubles sa samantalang si Jalalon ay nakagawa na ng tatlo.

Si Thompson ay nasa huling taon na  sa NCAA at napili bilang No. 5 pick sa nakaraang PBA Draft ng Barangay Ginebra. Bagama’t injured si Amer ay napili rin siya ng Meralco sa first round at ito na rin ang huling season niya sa NCAA. Mahihirapan ang Perpetual Help at San Beda na palitan ang dalawang ito.

Kaya naman may nagsasabing masuwerte pa ang Arellano dahil sa nasa ikatlong taon pa lang si Jalalon at may dalawang seasons pang natitira. Isipin mo na lang kung anong klaseng improvement pa ang puwedeng gawin niya sa kanyang laro.

Tiyak na mananatiling ‘force to reckon with’ ang Arellano sa mga susunod na seasons.

SPORTS SHOCKED – Sabrina Pascua

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Sabrina Pascua

Check Also

UAAP DLSU NU

DLSU panalo sa NU

TINALO ng De La Salle University ang may twice-to-beat advantage na National University, 87-77, nitong …

Bambol Tolentino Alexandra Eala Bryan Bagunas

Eala, Bagunas napiling flag bearer ng Team PH sa 33rd SEA Games sa Bangkok

IPINAHAYAG ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino ang pagpili sa dalawa sa …

ArenaPlus Gilas Pilipinas

ArenaPlus and Gilas Pilipinas team up for the upcoming FIBA World Cup Asian Qualifiers

ArenaPlus renews its sponsorship with Gilas Pilipinas, ahead of the 2027 FIBA World Cup as …

FIFA Futsal Womens

Nangungunang Brazil Makakaharap ang Asian Champion na Japan sa Pag-init ng Futsal Quarterfinals

MGA LARO NGAYON(PHILSPORTS ARENA)6 P.M. – PORTUGAL VS ITALY8:30 P.M. – BRAZIL VS JAPAN MAKAKAHARAP …

Criss Cross King Crunchers

King Crunchers, Sinungkit ang Kasaysayan! Dinurog ang Japan sa Epikong Limang-Set para sa Spikers’ Turf Title

SA WAKAS, nakamit ng Criss Cross ang matagal nang inaasam na korona sa Spikers’ Turf—hindi …