Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

78-anyos lolo utas sa asawang 68-anyos lola (May nililigawang biyuda)

0908 FRONTLEGAZPI CITY – Matinding selos ang itinuturong motibo sa pagpatay ng isang lola sa kanyang mister sa Sorsogon.

Ang biktima ay kinilalang si Melchor Rosin, 78-anyos, ng Brgy. Salvacion, bayan ng Magallanes.

Sa ulat, isang tsismis ang nakarating sa misis niyang si Carmin Rosin, 68-anyos, na ang kanyang mister ay may nililigawang biyuda sa kabilang barangay.

Bago ang insidente, nagkaroon muna ng komprotasyon ang mag-asawa, at mariing itinanggi ng biktima ang mga paratang sa kanya ng misis.

Ngunit nagdilim ang paningin ni Carmin, kumuha ng kahoy at pinaghahampas ang nagpapaliwanag pang asawa.

Bunsod nang matinding tama sa ulo, agad binawian ng buhay ang biktima. 

Ang suspek ay nasa kustodiya na ng Magallanes Municipal Police Station.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …