Sunday , December 22 2024

Abogado ni Samson, inakusahan ng swindling

Inakusahang ng swindling ang abogadong humahawak sa reklamong isinampa ni Isaias Samson Jr., laban sa Iglesia ni Cristo (INC).

Ayon kay Atty. Argee Guevarra may mga dokumento siyang magpapatunay na si Atty. Trixie Cruz-Angeles ay sangkot umano sa swindling activities. Sina Guevarra at Angeles ay dating law partners.

Sinabi ni Guevarra, mayroon umano siyang personal knowledge at may mga dokumento na magpapatunay ng swindling activities ni Angeles. 

Isa sa panloloko umano na personal na naranasan ni Guevarra mula kay Angeles ay nang magpasailalim sa liposuction noong 2009. 

Ayon kay Guevarra, nakiusap sa kanya si Angeles sa pamamagitan ng kaibigan na si Rey Barnido para mag-isyu siya ng tseke bilang ‘guarantee’ sa gagawing operasyon.

Babayaran naman daw kasi ng sponsor ni Angeles ang proseso ng liposuction pero kailangan ng guarantor. Sa simula, sinabi ni Guevarra na ayaw sana niyang mag-isyu ng tseke pero nang malaman niyang nasa operating room na si Angeles ay napilitan din siyang tulungan.

Sinabi ni Guevarra na  mismong ang driver umano ni Angeles na si Nelson de Gallado ang nagsabi sa kaniya na siya ay ‘ginulangan’ ni Angeles sa share niya sa isang malaking kaso.

Pinalabas umano ni Angeles na P25 milyon lamang ang nasingil sa kanilang kliyente gayong P50 milyon pala ang nakuha nito.

About Hataw

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *