Sunday , December 22 2024

Trillanes Most Productive Senator

0904 FRONTNANATILING si Senador Antonio “Sonny” F. Trillanes IV ang nangungunang mambabatas sa Senado, base sa dami ng mga panukalang ini-sponsor at naisabatas na.

Noong nakaraan at kasalukuyang Kongreso, siya ang may pinakamaraming pambansang panukala na naisabatas. Noong 15th Kongreso (2010-2013), siya ay nakapagbigay-daan sa pagpapasa ng 17 batas; habang ngayong 16th Kongreso (2013-kasalukuyan), siya ang pangunahing may-akda ng apat (4) na batas, dagdag pa rito ang 10 panukalang naipasa na sa ikatlong pagbasa (3rd Reading).

Ilan sa mahahalagang batas na akda ni Trillanes ang AFP Modernization Law; Pagtaas ng Subsistence Allowance ng mga Uniformed Personnel; Salary Standardization Law 3; Pagtaas ng Burial Assistance ng mga Veterans; Archipelagic Baselines Law; Universal Healthcare Law; Agarang pagbibigay ng benepisyo ng mga retiradong kawani ng gobyerno; PAG-IBIG Fund Law; Magna Carta para sa mga PWD; mas pinalawak na Senior Citizens Act; at Anti-Bullying Act.

Bukod dito, aktibo rin si Trillanes sa mga imbestigasyon na may kinalaman sa mga korupsiyon at iba pang anomalya sa gobyerno.

Simula ng kanyang panunungkulan, si Trillanes ay may kabuuang 1,077 panukalang batas na naihain, 52 rito ay mga batas na.

About Hataw

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *