Wednesday , January 8 2025

Balik-tanaw sa katatapos na PBA draft

061915 PBA rookie draftDALAWANG first round picks at tatlong second round picks ang pag-aari ng Rain Or Shine sa nakaraang 2015 PBA Rookie Draft, Ibig sabihin ay limang manlalaro sa unang 24 picks ang hawak ng Elasto Painters. Aba’y higit sa 20 porsiyento iyon ah!

Pero hindi ginamit ni coach Joseller “Yeng” Guiao ang mga picks na iyo. Sa halip ay tatlong manlalaro lang ang kanyang pinili bago tuluyang umayaw.

Puwede sanang pumili nang pumili ang Elasto Painters hanggang sa fifth round kung saan ang mga ibang teams ay umabot. Pero hindi kasi ganoon ang style ni Guiao, e. Hindi siya pipili ng rookie kung hindi naman talaga niya kailangan o hindi naman mabibigyan ng pagkakataong maging bahagi ng kanyang koponan.

Kumbaga’y kung walang espasyo sa kanyang team, hahayaan na niya ang isang rookie na mapili ng ibang koponan upang magkaroon ng lehitimong tsansang makapirma ng kontrata.

Hindi siya tulad ng ibang coaches o koponan na kuha nang kuha ng rookie pero wala naman talagang espasyo sa kanilang team.

Para bang binubuhay lang ang pag-asa sa Draft day pero ilalaglag naman talaga kinabukasan. Masakit, hindi ba?

Ang mga nakuha ng Rain Or Shine ay sina Maverick Ahanmishi (3rd overall), Josan Nimes (12th overall) at Don Trollano (15th overall).

Sa totoo lang, maliban kay Ahanmishi, medyo dadaan pa sa butas ng karayom sina Nimes at Trollano.

Si Nimes ay hindi pa puwedeng makipagnegosasyon dahil naglalaro pa siya sa Mapua tech sa kasalukuyang NCAA. So, may tsansang maunang makapirma ng kontrata si Trollano kung mapapabilib niya si Guiao.

Pero tiyak namang mapakikinabangan ang tatlong baguhang ito.

SPORTS SHOCKED – Sabrina Pascua

About Sabrina Pascua

Check Also

Bambol Tolentino POC

POC naghahanda para sa unang medalya sa Winter Olympics sa Harbin Games – Tolentino

MAGPAPADALA Ang bansa ng 20-miyembrong koponan sa ika-siyam na edisyon ng Asian Winter Games na …

Bambol Tolentino

Magsisimula na ang trabaho sa POC sa 2025 – Tolentino

Ang bagong re-elected na presidente na si Abraham “Bambol” Tolentino ay magtatawag ng pagpupulong ng …

Ajido, nagtala ng bagong record sa SEA Age swimming tilt

Ajido, nagtala ng bagong record sa SEA Age swimming tilt

MULING isinalba ni Jamesray Mishael Ajido ang kampanya ng Team Philippines sa nasukbit na gintong …

Philippines A nangibabaw sa pagbabalik ng BIMP-EAGA Games

Philippines A nangibabaw sa pagbabalik ng BIMP-EAGA Games

FINAL Standing             Gold             Silver         Bronze      Total Philippines-A                   30                   37            32              99 Malaysia –  B                   17                   …

Manny Pacquiao Dubai Sports Council

Sa kolaborasyon ng PH at UAE
Pambansang Kamao Manny Pacquiao, Dubai Sports Council nagpulong para sa oportunidad ng sports development 

NAKIPAGPULONG si Pambansang Kamao at dating Senador Manny Pacquiao sa mga opisyal ng Dubai Sports …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *