Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

2 patay, 14 sugatan sa truck vs 7 sasakyan

DALAWA ang kompirmadong namatay, kabilang ang isang engineering student, habang 14 ang sugatan makaraang soroin ng isang truck ang pitong sasakyan sa A. Bonifacio Avenue, Marikina City kahapon ng umaga.

Kinilala ng mismong ama ang isa sa dalawang namatay na si Edizon John Reyes, habang kabilang sa 14 sugatan ang driver ng 10-wheeler delivery truck (RHW-112), isinugod sa Amang Rodriguez Memorial Medical Center.

Sa inisyal na imbestigasyon, dakong 11:35 a.m. naganap ang insidente nang mawalan ng preno ang truck habang pababa ng Bonifacio Avenue, Brgy. Barangka, Marikina City mula sa fly-over na umuugnay sa Katipunan, Quezon City.

Ayon sa pulisya, tatlong pampasaherong jeep, dalawang L-300 van at dalawang motorsiklo ang inararo ng killer truck.

Binabantayan ng mga pulis ang suspek habang nilalapatan ng lunas sa ospital. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed Moreno

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …