Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Misis, anak ini-hostage ni mister

ROXAS CITY – Nahaharap sa kasong paglabag sa R.A. 9262 o Anti-Violence Against Women and their Children ang dating bodyguard ng alkalde ng Sigma, Capiz makaraan i-hostage ang kanyang mag-ina sa loob ng kanilang bahay kamakalawa.

Nalagay sa alanganin ang buhay ni Mary Jane Gregorio at anak nang i-hostage ng asawa na si Jojo Gregorio habang nasa impluwensiya ng droga.

Agad nagresponde ang mga kasapi ng Sigma PNP sa lugar at isinagawa ang negosasyon, ngunit dumestansiya nang lumabas ang report na armado ng granada ang suspek.

Dumating din sa lugar si Mayor Cris Andaya at umapela sa dating bodyguard na lumabas nang matiwasay ngunit hindi  napilit ng alkalde.

Bago dumilim ay nagdesisyon ang mga pulis kasama ang SAF na pasukin ang bahay ng suspek dahil hindi na sumasagot.

Ngunit wala nang tao sa loob ng bahay nang makapasok ang mga awtoridad.

Nabatid na nakatakas na pala ang suspek gayondin ang asawa at anak na nakituloy sa kapitbahay.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …