Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

2 rape-slay suspect sa Tanay arestado

TINIYAK na ibibigay ang P50,000 reward sa testigo na nagturo sa dalawang naarestong suspek sa panggagahasa at pagpatay sa 10-anyos batang babae sa Tanay, Rizal.

Kinilala lamang ng mga awtoridad ang mga suspek sa mga alyas na Toto at Dondon habang isinasailalim sa imbestigasyon.

Magugunitang natagpuang naaagnas na ang bangkay ng biktimang si Cazandra Valencia, 10, nang matagpuan sa ilalim ng kawayanan ng kanyang pamilya makaraan ang dalawang araw na pagkakawala.

Dakong 2 a.m. kahapon nang maaresto ng mga pulis ang ang mga suspek sa kanilang hide-out batay sa testimonya at direktang pagturo sa kanila ng testigo.

Ayon sa testigo, nakita niya ang mga suspek nitong nakaraang Huwebes habang karga ang biktimang wala nang malay.

Samantala, sinabi ng ina ng biktima na hindi niya kayang tingnan si alyas Toto dahil inaanak ng suspek ang kanyang nakababatang kapatid.

Sa kabilang dako, itinanggi ng asawa ni alyas Dondon na sangkot ang suspek sa krimen dahil nasa trabaho aniya sa construction site ang kanyang mister nang maganap ang insidente.

Habang tiniyak ni Tanay Mayor Rafael Tanjuatco na ibibigay nila ang reward sa witness sakaling matiyak na ang mga inaresto ang gumahasa at brutal na pumatay sa biktima.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed Moreno

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …