Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kelot nilagare sa leeg ng ama

KALIBO, Aklan – Sugatan ang isang 23-anyos lalaki makaraang gilitan sa leeg ng kanyang sariling ama gamit ang lagare sa Brgy. Bakhaw Sur, Kalibo, Aklan kamakalawa.

Ang biktimang agad isinugod sa Aklan Provincial Hospital ay kinilalang si John Marvin Esperidion, residente ng Brgy. Cogon, Malinao, habang ang suspek ay si Tranquilino Esperidion, 52-anyos, ng nasabi ring lugar.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Kalibo PNP Station, habang nag-iinoman ang mag-ama nang ibalita ng anak ang pakikipag-relasyon ng isa niyang kapatid na babae sa isang lesbian.

Sa puntong ito ay nagalit ang suspek at nagkaroon sila ng mainitang pagtatalo ng biktima.

Pagkaraan ay biglang kumuha ng maliit na lagare ang suspek, hinawakan ang ulo ng anak at ginilitan sa leeg.

Ngunit mabilis na nakapiglas at nakahingi ng saklolo ang biktima sa kinakasama ng kanyang ama.

Hindi na naabutan ng nagrespondeng mga pulis ang suspek na agad tumakas.

Hindi pa matukoy kung itutuloy ng anak ang pagsasampa ng reklamong attempted parricide laban sa kanyang ama.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …