Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

14-anyos estudyante tepok sa suntok

BINAWIAN ng buhay ang isang 14-anyos estudyante nang mamuo ang dugo sa ulo makaraan suntukin ng kapwa estudyante sa National Christian Life College (NCLC) sa Marikina City.

Kinilala ni Senior Supt. Vincent Calanoga, hepe ng Marikina City Police, ang biktimang si John Allen Salvador, Grade 8 student, nakatira sa Sta. Barbara, San Mateo, Rizal.

Habang hawak na ng Social Welfare and Development (DSWD) ng Marikina ang suspek na itinago sa pangalang Jomar, 15, kaklase ng biktima.

Nabatid sa pulisya, dakong 5 p.m. nang mangyari ang insidente sa labas ng nabanggit na eskwelahan sa E. Mendoza St., Brgy. Sto. Nino, habang pauwi ang mga mag-aaral.

Sinasabing nayabangan ang suspek sa porma ng biktima kaya sinuntok sa ulo. Binalewala lamang ito ng biktima na dumiretso ng uwi sa kanilang bahay.

Makalipas ang ilang oras, nagkaroon ng maliit na bukol sa ulo ang biktima kasunod nang matinding sakit ng ulo kaya’t dinala ng mga magulang sa Amang Rodriguez Medical Center.

Sa puntong ito, natuklasan na nagkaroon ng hemorrhage sa ulo ang biktima bunsod nang malakas na suntok.

Makalipas ang dalawang araw ay binawian ng buhay ang biktima.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed Moreno

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …