Thursday , June 4 2026

12-anyos niluray ng titser

NAGA CITY – Pinaghahanap ang isang guro makaraan ang panghahalay sa kanyang estudyante sa Guinayangan, Quezon.

Kinilala ang suspek sa pangalang “Alex,” kasalukuyang nagtuturo sa isang pampublikong paaralan sa nasabing bayan.

Nabatid na nag-iisa ang 12-anyos biktima sa loob ng kanilang silid-aralan nang biglang lumapit ang nasabing guro at sinimulang hawakan ang pribadong bahagi ng katawan ng dalagita.

Makaraan ang nasabing insidente, agad nagsumbong ang biktima sa kanyang magulang na humingi rin ng tulong sa mga awtoridad.

Sa inisyal na imbestigasyon, hindi lang isang beses pinagsamantalahan ng titser ang biktima.

Ayon sa biktima, ilang ulit na siyang hinalay ng kanyang guro na nagsimula pa noong buwan ng Hulyo nang nakaraang taon.

Tinakot aniya siya ng guro na papatayin kung magsusumbong sa mga magulang.

Sa ngayon, pinag-ibayo ang paghahanap ng mga awtoridad sa nasabing suspek habang inihahanda na ang kasong isasampa sa kanya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw

Check Also

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …

Kiko Barzaga

Barzaga pinatalsik na, binura pa sa roster ng House of Representatives

BINURA kagabi, Martes, 2 Hunyo 2026, sa roster ng mga miyembro ng Kamara si Cavite …