Sunday , December 22 2024

7 patay, 2 missing sa pagbaha sa Bukidnon

CAGAYAN DE ORO CITY – Umakyat na sa pito katao ang kompirmadong namatay habang dalawa ang hindi pa natatagpuan sa malawakang pagbaha sa bahagi ng Valencia, Bukidnon.

Bukod dito, nanalasa rin ang buhawi kasunod nang malakas na pag-ulan na naranasan sa malaking bahagi ng Bukidnon simula kamakalawa.

Inihayag ni Valencia City police station offi-cer-in-charge, Supt Al Abanales, kabilang sa mga namatay ang mag-inang Gina at Francis John Eriosa, at sina Baby Rose Batistil, Dalia Mae Luzano at Jelove Dadoy, Virgilio Teling at Epifanio Caniamo, pawang nakabase sa nasabing lungsod.

Sinabi ni Abanales, patuloy ang search and rescue effort ng rescue teams para sa tatlong nawawalang residente.

Habang naitala ang inisyal na 227 pamilya o mahigit 793 indibidwal na inilikas sa mas ligtas na mga lugar mula sa pagbaha sa kanilang mga lugar.

Sinasabing umaabot sa 18 bahay ang winasak ng baha, habang nasa 36 ang naitala na may bahagyag pagkasira.

Hindi pa mabatid kung magkano ang naitalang danyos sa mga tinamaang produkto lalo na sa agrikultura at impraestraktura.

Payo ng NDRRMC lumikas agad kung kailangan vs bagyo

BAGAMA’T hindi magla-landfall sa bansa ang tinaguriang super typhoon Hanna na may international name na “Soudelor,” nagtaas na ng alert status ang National Disasster Risk Reduction Management Council (NDRRMC).

Epektibo dakong 8 a.m. kahapon, nasa blue alert status na ang NDRRMC kasabay nang pagpasok ng bagyo sa Philippine area of responsibility (PAR).

Ayon kay NDRRMC Executive Director Alexander Pama, ang pagtataas nila ng alert level ay para maging handa ang mga tauhan ng kanilang ahensiya laban sa itinuturing na pinakamalakas na bagyo sa buong mundo ngayong 2015.

Sinabi ni Pama, mahigpit nilang imo-monitor ang nasabing bagyo.

Ipinag-utos din niya sa lahat ng mga regional office ng civil defense ang pagpapatupad ng kaukulang precautionary measures sa kani-kanilang areas of responsibility lalo na ang pre-emptive evacuation sa mga residente na nakatira sa low lying areas sakaling kailanganin na.

About Hataw

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *