Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Yul Servo, dream makatambal si Gov. Vilma Santos

050415 Yul Servo Vilma Santos

00 Alam mo na NonieISA si Yul Sevo sa tahimik pero magaling na aktor natin sa showbiz industry. Nakahuntahan namin si Yul kamakailan at nalaman naming kasali pala siya sa casts ng Baker King ng TV5 na tinatampukan nina Mark Neumann, Shaira Mae, Akihiro Blanco at iba pa.

Ayon kay Yul, masaya siyang magtrabaho sa Kapatid Network. Sinabi pa ng numero unong Konsehal ng Maynila sa Disctrict 3 na kahit busy siya sa politika ay mahal niya ang mundo ng showbiz.

“Oo naman, pero ako naman ay madalang tumatanggap ng project. Siyempre, busy rin tayo sa pagiging konsehal natin sa Maynila, e,” saad ni Yul.

Bukod kay Nora Aunor na nakatambal na niya, ang isa pang pangarap daw na makapareha ng award winning actor ay ang Batanags Governor na si Vilma Santos.

Bakit si Gov. Vi? “Kasi noong bata pa ako, biro mo ang mother ko ay Noranian, talagang lahat ng mga komiks at magazine ay kinokolekta niya. Tapos talagang pumupunta yung mommy ko tapos sa mga pelikula ni Ate Guy.

“Then, naging partner ko sa Naglalayag, hindi lang naging kapartner, biro mo naging mag-asawa kami roon, nagkaroon kami ng anak, naka-kissing scene ko pa siya.

“So, siyempre naman si Gov. Vilma naman ang pinapangarap ko. Kasi, isa pa siya sa ipinagmamalaki ng industriya. Isang karangalan yun para sa akin na makapareha ko siya. And bilang artista, parang gusto mo makatrabaho lahat ng magagaling na bukod nga kina Gov. Vi, kasama rin siyempre dyan sina Maricel Soriano at Sharon Cuneta.

“Kaya kung bibigyan ako ng chance na makatrabaho si Gov. Vi, malaking bagay iyon at katuparan ng dream ko iyon,” nakangiting saad ni Yul.

Sa 2016, dahil sa maraming humihiling na constituents niya, posible raw tumakbo si Yul bilang congressman sa kanilang distrito sa Maynila. Kaya Good luck sa iyo parekoy.

ni Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …