Thursday , January 2 2025

Babaeng warden ng QC, dangal ng bayan

BAGAMAN hindi pa natatapos ang pilian kung sino ang tatanghaling Dangal ng Bayan awardee ng Civil Service Commission sa taong ito, matunog na ang pangalan ni Jail Chief Inspector Elena Rocamora bilang isa sa pinakamalakas na semi-finalist.

Si Rocamora ang kasalukuyang Warden ng female dormitory sa Quezon City na kinapipiitan ang mga babaeng suspek sa samo’t saring krimen. Kilalang down to earth at excellent performer and naturang babaeng opisyal. Ilang parangal na rin ang tinanggap niya mula nang maupo bilang warden ng nasabing piitan. Kailan lang, si Rocamora ay itinanghal na pinakamahusay na kawani ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) dahil sa kanyang ipinamalas na galing.

Isa sa pinakamagandang proyekto niya ang AlkanSSSya program na ang mga detainee ay naghuhulog kada araw ng barya sa kanilang alkansiya na gugugulin naman para sa kontribusyon nila sa Social Security System. Naniniwala kasi ang opisyal na mahalagang mapaghandaan pa rin ng mga nakapiit ang kanilang kinabukasan lalo na’t sila ay mapatunayang walang kasalanan at tuluyan nang makalaya.

Ang naturang detention center kung saan nakapiit ang mga suspek sa mga kasong dinidinig pa sa hukuman. Dinadala lamang sila sa Bilibid kung napatunayang nagkasala. Ito ang dahilan kung bakit naisipan ni Rocamora na ilunsad ang AlkanSSSya program.

Isa rin ang SSS sa mga sumusuporta sa kanyang pagiging kandidata sa Dangal ng Bayan Award. Ang naturang programa ay inilunsad na rin sa lahat ng piitan sa ilalim ng BJMP sa buong Pilipinas dahil sa magandang ehemplong ipinamalas niya.

Bukod dito, itinanghal din si Rocamora bilang isa sa pinaka-active sa larangan ng livelihood projects para sa mga inmate. Alam ba ninyong siya mismo ang umiikot sa mga Trade Fair para ipakilala at ialok ang mga produktong gawa ng mga babaeng inmate sa QC female dorm?

Kumikita ang mga inmate rito kaya nakapag-iipon sila ng kanilang panghulog sa kanilang AlkanSSSya.

Full support din ang QC local government sa mga proyekto ni Rocamora. Katunayan, ilang project na ang inaprubahan ni Mayor Herbert Bautista para sa naturang jail facility. Dahil dito, malaki ang natipid ng BJMP, mahigit P3 milyon, na nagamit pa sa ibang pangangailangan ng ibang jail unit.

Para sa mga taga SSS, BJMP at mga taga-QC, tunay kang Dangal ng Bayan, Chief Inspector Elena Rocamora.

Hats off! My salute!

Joel M. Sy Egco

About Joel M. Sy Egco

Check Also

SM wraps up 2024 with bears of joy donation and gift-giving to communities in Bulacan

SM wraps up 2024 with bears of joy donation and gift-giving to communities in Bulacan

SM malls in Marilao, Baliwag, and Pulilan wrap up 2024 with a heartfelt gift-giving and …

Sa Bulacan 20K TRABAHADOR TARGET NG PRECAST FACTORY

Sa Bulacan  
20K TRABAHADOR TARGET NG AUTOCLAVED AERATED CONCRETE (ACC)

ISINAGAWA ang groundbreaking ceremony ng Philippine High Speed New Materials Company  Inc., sa loob ng …

MMFF50 Topakk Uninvited

‘Uninvited’ at ‘Topakk’, parehong must-watch-movies sa MMFF50

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAPANOOD namin pareho ang mga pelikulang ‘Uninvited’ at ‘Topakk’ last …

Aga Muhlach Uninvited

Aga mapapamura ka sa galing

RATED Rni Rommel Gonzales NAIMBITAHAN kami ng Mentorque Productions, thru colleague Reggee Bonoan sa block screening for the …

Arjo Atayde Aga Muhlach Dennis Trillo Piolo Pascual

Arjo maile-level na kina Aga, Dennis, at Piolo

RATED Rni Rommel Gonzales BATANG paslit pa lamang si Arjo Atayde ay kilala na namin siya at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *