Adik, sira ang ulo o baliw lang ang puwedeng gumawa ng karumal-dumal na RANDOM KILLING sa Quezon City na kumitil ng buhay ng limang inosenteng sibilyan nitong nakaraang weekend.
Tila ginaya ng mga salarin ang tinatawag na DRIVE-BY SHOOTING sa Amerika kung saan walang kaabog-abog na pinagbabaril ang sinumang madaanan ng mga suspek. Karaniwang hindi sila nakikilala dahil walang motibo at wala halos ebidensiyang nakakalap.
Mantakin ninyo itong riding in tandem na gu-magala sa QC partikular sa gawi ng Fairview atbasta na lamang namamaril ay nakalusot sa kabila ng ipiangyayabang na paghihigpit ng Philippine National Police sa mga illegal firearms. No kidding, mga sir at maam sa pambansang pu-lisya, ginagawa po kayong gunggong ng mga kriminal.
Akalain ninyong ang MAD KILLER o THRILL KILLER na gumagala ngayon ay asintado pa. Puro sa ulo ang tama ng mga kawawang biktima nila. Sana naman ay pag-ibayuhin ng QC Police District at ng pamunuan ng PNP mismo ang pagbabantay laban sa ganitong alagad ni Satanas. Ganoondin, kailangan maging mapagmatiyag ang mga local government units na pinaniniwalaang tinitigilan ng mga gagong ito.
Kahapon sa briefing ng Malakanyang, tinanong po natin si Presidential Communications Secretary Herminio Coloma, Jr., hinggil sa isyung ito at inamin naman ng kalihim na sila sa Palasyo ay nababahala sa ganitong balita. Dahil diyan, ani Coloma, dapat pagtuunan ng pansin ng PNP at mga LGU ang seguridad sa kanilang nasasa-kupan.
Dagdag niya, kinakailangan nang gumalaw ang taumbayan mismo para makatulong sa pagsasawata sa mga ganitong malademonyong kri-minal.
Sa mas malalim na pagsilip dito, hindi kaya may grupong sadyang nagpapalala ng crime si-tuation sa National Capital Region para pahiyain ang PNP leadership? Sa aking pakikipag-usap sa ilang matataas na opisyal ng PNP, tila may gumagalaw para yanigin si PN chief DIR GEN. ALAN PURISIMA. Sa anong dahilan ay hindi pa natin maarok. Ngunit may kinalaman ito sa kan-yang pagkakatalaga, natural.
Ayon kay Coloma, bukas sila sa panukalang mag-impose ng CURFEW sa ilang lugar basta’t hindi ito makaaapekto sa kalayaang gumalaw ng mabubuting mamamayan. Mahirap nga naman kasi baka maabuso ang ganitong curfew o kaya ay checkpoint.
Anopaman ang maging hakbang nila, nawa’y agarang maparusahan ang MAD KILLERS sa ilalim ng batas.
At kung lumaban, bahala na sila sa buhay nila!
Joel M. Sy Egco