Friday , January 28 2022

Bilang ng namamatay na mediaman tumataas

NAKAAALARMA na talaga ang patuloy na pagtaas ng bilang ng mga namamatay na mediaman sa ilalim ng administrasyon ni PNoy. Kahapon lang, isang broadcaster sa Digos City na si Samuel Oliverio ng Radyo Ukay ang binaril sa ulo at napatay. Tsk tsk.

Sa huling tala ng PNP, 27 na ang journalists na itinumba sa panahon ni Noy. Ika-28 na si Sammy. Ayon kay Pete Lavina na editor ng Caraga Standard at manunumbalik na miyembro ng National Press Club, isang hard-hitting commentator si Oliverio gaya ng kanyang nakatatandang kapatid na sumikat noong dekada 80.

Nakapapangamba na mas mabilis pang dumarami ang bilang ng mga pinapatay na mamamahayag sa ilalim ni PNoy kaysa bilang ng mga kasong nareresolba. Wala na nga yata talagang pag-asang masolusyonan ang problemang ito dahil bakla ang kampanya ng gobyerno laban dito. Sa totoo lang, sa palagay ko ay magiging pinakamarami ang journalist na mamamatay sa ilalim ng panunungkulan ni Pnoy base sa kanyang record. Mula June 30, 2010 hanggang ngayon, pumapatak na 7 mediaman ang pinapatay kada taon. Anak ng pitumpu’t pitong kuba naman, Mr. President!

Kung hindi ito masasawata at kung patuloy na magiging MANHID ang gobyerno ni Aquino sa isyung ito, malamang na tanghalin siyang MOST DANGEROUS PRESIDENT FOR JOURNALISTS IN THE WORLD!

Tandaan po ninyo ito, mga kanayon, kapag may isa pang bumulagtang kapatid natin sa hanapbuhay, iyan ang titulong itatak natin sa kanya. Para matauhan at madala.

Nakahihiya nang masyado ang Pinas sa mata ng international community. Bagama’t ipinagyayabang ng administrasyon ang pag-angat ng ekonomiya dahil sa umano’y anti-corruption drive, patuloy namang nalalagas ang mamamayan, hindi lamang mga mamamahayag.

Bakit malawakan ang krimen ngayon? Dahil maraming nagugutom at walang hanapbuhay. E nakanino ang YAMAN ng bansa? E di nasa iilan lang!

At hindi po tayo kasama sa mga nabiyayaan.

Joel M. Sy Egco

About Joel M. Sy Egco

Check Also

Kris Aquino

Kris binuweltahan mga nagpapakalat ng fake news — Sorry buhay pa… it’s not yet goodbye

PABONGGAHANni Glen P. Sibonga TINAWAG ni Kris Aquino na fake news ang mga kumalat na tsismis …

Korina Sanchez Ping Lacson

Korina aliw sa pa-farm ni Sen Ping

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio HINDI maitago ni Korina Sanchez-Roxas ang aliw nang magtungo sa farm ng …

Christine Bermas

Christine Bermas ‘di kering mapanood ang sarili sa matitinding eksena

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio PURO sexy ang mga nagawa at ginagawa ni Christine Bermas na pelikula …

Manny Villar ABS-CBN

Broadcast frequencies ng ABS-CBN, ‘nasulot’ ni Villar

MALABO nang mabawi ng ABS-CBN ang kanilang prankisa sa susunod na administrasyon dahil ibinigay na …

Duterte, ‘maritess’ na pangulo — netizens

BUKOD sa tawag na lameduck, tinaguriang ‘Marites’ o taong mahilig sa tsismis si outgoing President …

Leave a Reply