Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
McCoy de Leon In Thy Name

McCoy  malaking challenge pagganap sa In Thy Name

I-FLEX
ni Jun Nardo

NAHIRAPAN ang aktor na si McCoy de Leon na gawing mabait ang kanyang character  sa  religious movie na In Thy Name lalo’t kontrabidang mabagsik ang role niya sa kinabibilangang series.

Hindi madali. Pero pambawi ko ito sa  character ko sa ‘Batang Quiapo.’ At least, marami akong natutunan nang gawin ko ito lalo na’t based sa kuwento ng buhay ni FR. Rhoel Gallardo na nagsakripisyo ng buhay niya para sa tao,” pahayag ni McCoy sa mediacon ng movie na ginanap sa Gallardo Hall sa Claret School, QC.

March 20, 2000 nang ma-abduct si Fr. Gllardo ng Abu Sayaf bilang hostage sa bayan ng Sumisip.

After 25 years, mapapanood ng viewing public ang nangyari sa bundok kasama ang mga bihag na estudyante at guro hanggang nagkaroon ng labanan ang military at terorista sa pelikulang In Thy Namena idinirehe nina Ceasar Soriano at Rommel Galapia Ruiz.

Kasama rin sa movie sina JC De Vera bilang si Khaddy Janjalani, Mon Confiado, Jerome Ponce, Yves Flores Ynez Veneracio, Aya Fernadez at marami pang iba na mapapanood sa sinehan sa March 5.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jun Nardo

Check Also

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …

Bela Padilla Rekonek

Bela Padilla kayang mabuhay nang walang internet, tampok sa MMFF entry na “Rekonek”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG overseas Filipino worker (OFW) ang papel na ginagampanan ni …

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …