Saturday , December 21 2024
cyber libel Computer Posas Court

Sa Cavite
ALAHERO TIMBOG SA ONLINE LIBEL

ARESTADO ng mga awtoridad ang isang negosyanteng nakikipagkalakalan ng mga alahas para sa kasong online libel sa lungsod ng Dasmariñas, lalawigan ng Cavite nitong Lunes, 1 Hulyo.

Kinilala ang suspek na si Anmer Demafeliz, alyas Anmer, residente sa lungsod ng Makati, na sinilbihan ng warrant of arrest para sa siyam na bilang ng kasong paglabag sa RA 10175 o online libel na inisyu ng Sta. Rosa City, Laguna RTC.

Samantala, kasalukuyang tinutugis ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) at Manila Police District (MPD) ang kanyang dalawang kasabuwat na kinilalang sina Sheryll Villanueva, alyas Shaye Re Yil; at Kimberly Ann Santos, alyas Mskim Santos, kapwa naninirahan sa lungsod ng Makati, na nananatiling nakalalaya.

May kasong apat na bilang ng online libel si Villanueva habang si Santos ay kinasuhan ng 11 bilang ng online libel sa City Prosecutor’s Office ng lungsod ng Sta. Rosa, sa lalawigan ng Laguna.

Inilabas ng korte ang warrant of arrest na may inirekomendang piyansang tig-P10,000 laban kay Demafeliz at dalawa babaeng itinurong kasabuwat.

Kinilala ang biktimang si alyas Ninang na nagreklamo sa mga awtoridad ng cyber bullying, pambabastos at paninirang-puri sa mga larawan na may kasamang pagbabanta. (BOY PALATINO)

About Boy Palatino

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …