Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sa Siniloan
NEGOSYANTENG MISIS PATAY SA 2 HOLDAPER

041724 Hataw Frontpage

ni Roderick Palatino

SINILOAN MPS – Patay ang isang ginang habang ang kaanak na tricycle driver ay sugatan sa naganap na robbery/holdap kamakalawa ng gabi, Lunes, 15 Abril 2024, sa Siniloan, Laguna.

               Sa ulat, nabatid na dakong 6:30 pm kamakalawa nang maganap ang insidente ng pagnanakaw at pamamaril sa Brgy. Mendiola.

Kinilala ang biktimang pinaslang na si Lydia Susondoncillo Baldovino, 65 anyos, negosyante, residente sa nasabing barangay.

Habang si Jay-ar Susondoncillo Platero, 32, residente sa Brgy. Laguio, Siniloan, Laguna ay sugatan pero agad dinala sa malapit na ospital.

Ayon kay P/Maj. Robin Martin Acop ng Siniloan Police, nakatanggap ng ulat ang kanilang himpilan  mula sa isang concerned citizen na may naganap na insidente ng pamamaril sa palengke kaya agad tinungo ng mga tauhan ng pulisya ang lugar.

Lumabas sa inisyal na imbestigasyon, habang ang napaslang na biktimang si Lydia ay sakay ng tricycle na minamaneho ng biktimang si Jay-ar, huminto sa tapat nila ang dalawang hindi kilalang lalaki na nakasuot ng helmet at facemask.

Agad ipinasok ng isa sa mga suspek ang kanyang katawan sa tricycle para hablutin ang bag na sinabing naglalaman ng kulang P200,000 mula sa trike driver na si Jay-ar.

Napigilan ni Jay-ar ang panghahablot kaya binaril ng suspek ang dalawang biktima nang apat na beses gamit ang hindi pa malamang uri ng baril.

Matapos ang pamamaril ay tumakas ang mga suspek patungo sa hindi batid na direksiyon habang dinala ang mga biktima sa Pakil Gen. Cailles Hospital sa Pakil, Laguna para gamutin ngunit idineklarang dead on arrival (DOA) ang lolang si Lydia.

Agad humiling ng SOCO assistance mula sa Laguna Provincial Forensic Unit para sa Technical Crime Processing.

Nagsagawa rin ng dragnet operation ang pulisya habang patuloy ang imbestigasyon para sa ikadarakip ng mga suspek.  

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Boy Palatino

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …