Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Gladys Reyes Jhassy Busran

Jhassy nakatikim ng bagsik ni Gladys

I-FLEX
ni Jun Nardo

PINATIKIM ng bagsik  ni Gladys Reyes ang baguhang si Jhassy Busran sa pagsasama nila sa pelikulang Unspoken Letters na mapapanood na sa sinehan sa December 13.

Sa kabuuan ng pelikula, talagang nakatikim siya! Pero kasi kailangan talaga sa istorya. Hindi naman ako ang nag-request niyon, ‘di ba? Ha! Ha! Ha!

“Pero kapag medyo maldita ang kaeksena, masasampal ko talaga ‘yun! Ha! Ha! Ha! Medyo kakantiin ng kaunti. Hindi. Joke lang po!” sabi ni Gladys sa mediacon ng Unspoken Letters.

May special condition si Jhassy sa movie kaya ani Gladys, “Medyo umiksi ang pasensiya ko. Kaya naman umiral ang pagiging nanay ko. Umiiral ang pagiging nanay ko kaya medyo natatakot sa akin ang kaklase ng anak ko! Ha! Ha! Ha!”

Ano naman ang reaksiyon ni Jhassy sa pagpapatikim ni Gladys sa kanya?

Noong mabasa ko ang script at may sampal, hindi ko po alam kung sino ang gaganap. Sabi sa akin, si Ate Gladys daw. Nagulat ako!

“Known kasi si Ate Gladys for that. Let me explain! Ha! Ha! Ha! Marami ang nangangarap masampal ng isang Gladys Reyes. Pero ‘yung alam mo na gagawin ang eksena, nagulat na lang ako na hindi ini-expect kaya nadagdagan ang emosyon ko.

“After that, proud ako na nasampal ako ni Ate Gladys!” pahayag ni Jhassy.

Kasama rin sa movie sina Tonton Gutierrez, Glydel Mercado, Simon Ibarra at marami pang iba.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jun Nardo

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …

https://www.instagram.com/p/CbrIQt_LxCC/?utm_source=ig_web_copy_link