Saturday , November 23 2024
Long Mejia The Blind Soldiers

Long Mejia sumabak sa aksiyon sa The Blind Soldiers, ginawang peg si FPJ

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

IBANG Long Mejia ang mapapanood sa pelikulang The Blind Soldiers, Surrender Is Not An Option, dahil dito’y hindi siya komedyante. Sa halip, sumabak dito sa drama at aksiyon si Long.

Sa panayam namin kay Long, nabanggit niyang iba ang mapapanood sa kanya sa pelikulang ito.

Wika ng komedyante, “Kailangan na pag-aralan ko iyong role, kasi bilang aktor, trabaho natin talaga iyan. So medyo nahirapan din tayo dahil hindi ako komedyante rito.

“So makikita ninyo, makikita ng mga manonood na seryoso ako rito, may aksiyon, may drama.”

Ayon kay Long, ang naging peg niya sa pagsabak sa action scenes niya rito ay ang idol niyang si Da Daking, Fernando Poe, Jr.

Nakangiting esplika ni Long, “Siyempre ang idol ko na si FPJ ang naging peg natin dito sa pelikulang ito, para lalong ganahan naman tayo sa pagganap sa role ko rito at sa pagsabak sa aksiyon.”

Bukod sa pagmamahal sa Inang bayan, ipapakita sa pelikula ang importansiya ng edukasyon.

Aside kay Long, tampok sa pelikula sina Soliman Cruz, Gary Lim,  Bong Cabrera, at ipinakikilala si CHED commissioner Dr. Ronald Adamat na siya ring nagdirek ng pelikula, kasama si Marinette Lusanta.

Gumaganap silang lima bilang mga sundalo na ang setting ng pelikula ay ang World War 2 na sinakop ng Japan ang Filipinas at makikita rito ang kabayanihan ng mga kawal natin.

Ang shooting ng pelikula ay ginawa sa Mindanao, partikular sa Malaybalay, Bukidnon, Lanao del Sur, Maguindanao Provinces, Cotabato City, at Upi, Maguindanao.

Habang tumitindi ang pananakop ng mga Hapon sa Filipinas, limang kalalakihan mula sa Teduray tribe ng Cotabato ang nagpalista sa United States Army Forces in the Far East (USAFFE) na nagtanggol sa bayan at handang ilaan ang kanilang buhay bilang kawal.

Mula Empowerment Film Production, kasama sa supporting cast dito sina Sue Prado, Jojit Lorenzo, Apollo Sheikh Abraham, Jaime Wilson, Zhiane Franco, at Jojit Lorenzo.

Ayon naman kay commissioner Adamat, “This is a must-watch movie. Every single Filipino should not fail to watch this especially the youngsters, the students…. It portrays the value of education.

“Iyan ang number one sa akin, iyong value ng education. There’s no substitute for education. Of course, peace. I’m a peace advocate.”

Dagdag niya, “Mga beterano itong mga co-actors ko rito kaya pinilit kong sumabay. Salamat sa Diyos at nakaraos naman, iyon ang realization ko talaga. And I hope this is not the last. For as long as may relevance ‘yung movie, it is worth making.”

Inanyayahan din ni Long ang publiko na tangkilikin ang kanilang pelikula.

“Panoorin n’yo po sana ang pelikula naming The Blind Soldiers, inaanyayahan namin ang mga kababayan natin at ang mga kabataan, makikita rito ang kahalagahan ng pag-aaral at ang ginawang sakripisyo, paghihirap, at pagmamalasakit ng bawat sundalo sa ating bansa,” sambit ng komedyante.

Magkakaroon ang pelikula ng premiere night sa Sept. 9, Sabado sa SM City North EDSA. Plano raw nilang imbitahan dito sina Sen. Robin Padilla, Sen. Bato dela Rosa, at iba pa.

               Ang The Blind Soldiers ay finalist sa Saskatchewan International Film Festival Canada na mapapanood sa Reel Attractions Theater, City of Humboldt simula Oktubre 14-21, 2023.

About Nonie Nicasio

Check Also

John Arcenas IDOL The April Boy Regino Story

John humanga sa sobrang makapamilya ni April Boy

RATED Rni Rommel Gonzales UNANG lead role ni John Arcenas ang pagganap bilang yumaong music legend na …

Malou de Guzman Silay Francine Diaz

Malou de Guzman sa pagbibida: sinong aayaw doon

RATED Rni Rommel Gonzales SA tagal niya sa industriya, halos apat na dekada, sa wakas …

Kang Mak

Kang Mak a feel good horror-comedy

HARD TALKni Pilar Mateo NGAYON lang ako in a long time, natawa ng tawang-tawa. At …

Kathryn Bernardo Alden Richards Cathy Garcia Molina Sampana Hello Love Again

Hello, Love, Again patuloy na tumatabo,  world premiere sa US, Canada, Dubai kasado na

MA at PAni Rommel Placente PANIBAGONG history na naman ang naitala ng pelikulang Hello, Love, Again. …

Enrique Gil

Bagong serye ni Enrique sa Europe kukunan

MA at PAni Rommel Placente MAGIGING masaya ang mga faney ni Enrique Gil dahil sa wakas ay …