Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jhana Villarin Maricar dela Fuente

Jhana Villarin, super-thankful nang naging contract artist ng Viva 

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

LABIS ang kagalakan ng newbie teen actress na si Jhana Villarin sa pagkakataong ibinigay sa kanya para maging contract artist ng Viva Artist Agency.

Pahayag ng 13 year old  na dalagita, “Sobrang saya ko po, super-thankful kasi may nag-a-appreciate ng talent ko po. Kasi pinapirma nila po ako ng contract at naniniwala sila sa kakayahan ko.”

Dagdag pa ni Jhana, “Five years po ang contract ko and starting po this August 7 to 16, may acting workshop na po ako sa Viva… Sabi po kasi, kapag po pinag-workshop ay may project nang gagawin.

“Saka katatapos ko lang po ng shoot doon sa tatlo kong commercials and waiting po this month po iyong shoot date ng telecom at mobile apps.”

Ang dating Viva Hotbabe na si Maricar dela Fuente ang manager niya. 

“Na-meet po siya ni Mama sa FB. Tapos in-invite po niya kami agad sa Viva and na-meet po agad namin si sir Vic del Rosario pagpunta namin, kasi nagpa-sched po talaga si mommy Maricar.

“Mabait po siyang manager at malambing, lagi po siyang nag-a-update kay mama,” wika pa ni Jhana.

Si Jhana ay mapapanood sa pelikulang Ani, na pinamahalaan at tinatampukan ni Tonz Llander Are, with Abegail Hernandez.

Second movie na ni Jhana ang Ani at nabanggit niyang challenging ang role niya sa pelikulang nabanggit. “Ang role ko po sa Ani ay anak nina Allan (Tonz) at Betty (Abegail) na may kapansanan na cerebral palsy.

“Supe- challenging po ito, kasi pangarap ko siyang maging role talaga… kasi iniisip ko, kaya ko po ba mabigyan ng magandang impact sa mga manonood ito? May maiiwan po ba ako na aral para sa ibang may kapansanan para hindi sila mawalan ng pag-asa sa buhay?” 

Esplika pa ni Jhana, “Actually, medyo nahirapan po ako sa role, kasi wala po akong workshop sa role ko na ganyan. First time ko po na ginawa, na in-acting on the spot iyon.”

Anyway, mula sa Daydreamer Entertainment Production, tampok din sa pelikulang Ani sina Nicolle Ulang, Jhana Villarin, Prince Rae Dantes, Gabriel Khail Fragada, Don Sandino Asuzano, Ghan Belarmino, Clarence Fragada, Bien Bondal, Fiona Ulang, Jhon Paul Nierves, Edrain Yee Celino , JR Celino, Azhyl Melezandre, Jesu Palentinos, Hanna Rie, Angelyn Cequeña, Christian Escudero, Cheng Agapay, Nathaniel Navarro, Denzel Dominic Faller, Rosh Aaron, Sweet Gerrer, Lynx Seren, Celso Llander Are, Ronel Samar, Krisha Mae Dalanon, Harold Celino, Ferly Osial Marquez, Quiel Hernandez, at Antonio Rubianes.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …