Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Andrew Gan Taong Grasa Joni McNab

Andrew Gan, third choice nga ba sa pelikulang Taong Grasa?

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

AMINADO si Andrew Gan na pinaka-daring na movie niya so far ang Taong Grasa, na mula sa AQ Prime.

Streaming na ngayon sa AQ Prime ang naturang pelikula ni pinamahalaan ni Direk Neal Tan. Bukod kay Andrew, tampok dito sina Joni McNab, Emelyn Cruz, Manang Medina, at Kurt Kendrick. 

Pero sa aming huntahan, ang pinag-usapan namin ay kung talaga bang third choice siya para sa pelikulang Taong Grasa?

Esplika ni Andrew, “Honestly, I heard lang din, originally ibinibigay talaga sa akin ni direk Neal iyong role, but for some reason, nagulat daw si direk Neal kasi ibang actor iyong dumating sa storycon at bigla akong napalitan.

“Then, iyong na-cast for doc Harry is hindi yata maibigay iyong requirement na need ng character. Then, napalitan din siya, so to make the story short po, naging third choice ako bigla,” natatawang pakli ni Andrew.

Pagpapatuloy na kuwento pa niya, “Kaya iyong finally tumawag sa akin si Sir Rodel (Fernando) and in-offer niya sa akin itong role, ibinigay ko talaga ang best ko to portray Doc Harry.

“Kaya special po sa akin itong project na ito, kasi marami siyang pinagdaanan and gusto ko rin patunayan doon sa tao na nang-elbow sa akin na mali iyong decision niya. Kilala ko kasi kung sino siya, hahaha!

“Kaya sobrang grateful ako kina sir Rodel, Direk Neal at siyempre kina Atty. Aldwin and Atty, Honey sa tiwalang ibinibigay po nila sa akin from Upuan and sa Taong Grasa,” masayang wika pa ni Andrew.

Ibig bang sabihin sa mga future projects niya, game na siyang mas todo daring at magpa-sexy?

“Depende po tito sa material. Hindi naman po dapat tayo nagko-close ng doors as long as maganda iyong opportunity na dumarating sa atin. Pero as of now, gusto ko pong ma-tag as strong character actor,” sambit pa ni Andrew.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Angelica Panganiban Four Sisters and a Wedding

Angelica bubog ang Four Sisters and a Wedding

SA wakas binigyang linaw na ni Angelica Panganiban ang pelikulang tinanggihan niya noon na hanggang ngayon ay …

MMFF MMDA

MMDA pumagitna pagdaraos ng advance screening ng 8 entries

PUSH NA’YANni Ambet Nabus TAMA naman ang naging solusyon ng MMDA na mangialam sa pagdaraos ng advance …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Sylvia sa I’m Perfect: Hindi namin ‘to ginawa para magpasikat

MATABILni John Fontanilla DREAM come true para sa producer ng Nathan Studios, Sylvia Sanchez na gawin ang pelikulang I’m …