Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Christi Fider

Christi Fider, excited at kabadong makatrabaho si Nora Aunor

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

SA ginanap na launching nina Christi Fider, Bernie Batin at Shira Tweg last week ay nabanggit ni Christi na marami siyang projects na pagkakabalahan, both sa singing and acting.

Sa singing career ni Christi, labas na ang kanyang EP na naglalaman ng four songs, namely, Breakthrough, 3rd Street, Fake, at Reyna na carrier single nito.

Sa pagiging aktres naman niya, aminado siyang magkahalong kaba at excitement ang nararamdaman dahil nakatakda siyang gumawa ng pelikula na makakasama niya sina Nora Aunor at Manila Vice Mayor Yul Servo. Plus, may series pa siya na target maipalabas naman sa Netflix.

Aniya, “Mayroon po akong on going na isang series at isang movie. Iyong movie will be directed by Jay Altarejos and then iyong series will be directed by Cris Pablo.

“Ang series I think may negotiations with Netflix, then iyong movie ay sa mainstream.”

Kuwento pa ni Christi, “Actually noong ibinigay sa akin ni Direk Jay ‘yung script, kasi at first ‘di ko alam na kasama ako sa film. Tapos noong ini-release ko ‘yung trailer ng isa kong song, parang nag-comment siya ng, ‘I have a role for you.’ Tapos sinend niya sa akin ‘yung script and I fell in love with the script.

“So sabi ko, ‘Kaya ko ba itong gawin?’ Kasi very diffrent, sobrang iba talaga. Sobrang magugulat kayo, parang ako’y may kissing scene ganoon. Eh hindi ako ganoon, so very challenging. Pero iyon ‘yung gusto ko, ‘yung tipong hindi ninyo ako makikita roon sa role. So very excited ako and parang feeling ko marami akong matututunan dito,” sabmit pa ni Christi.

Kakabahan ba siya kapag kaeksena na niya si Nora?

“Siyempre sino bang hindi? Siyempre si Ate Guy ‘yun, ang nanay ko, sobrang idol ‘yun. Pero iniisip ko na lang na kaysa kabahan ako, kailangan kong galingan para one take lang ako.

“Kasi akahihiya naman kung uulitin namin ‘yung scene because of me ‘di ba? Kailangan i-give ko more than one hundred percent ko,” nakangiting saad pa ni Christi

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Angelica Panganiban Four Sisters and a Wedding

Angelica bubog ang Four Sisters and a Wedding

SA wakas binigyang linaw na ni Angelica Panganiban ang pelikulang tinanggihan niya noon na hanggang ngayon ay …

MMFF MMDA

MMDA pumagitna pagdaraos ng advance screening ng 8 entries

PUSH NA’YANni Ambet Nabus TAMA naman ang naging solusyon ng MMDA na mangialam sa pagdaraos ng advance …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Sylvia sa I’m Perfect: Hindi namin ‘to ginawa para magpasikat

MATABILni John Fontanilla DREAM come true para sa producer ng Nathan Studios, Sylvia Sanchez na gawin ang pelikulang I’m …