Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Shira Tweg Christi Fider Bernie Batin

Shira Tweg pang-beauty queen ang tindig, talented na singer at aktres

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

BUKOD sa pagiging talented na singer/actress, may kakaibang taglay na charm sa masa ang magandang bagets na si Shira Tweg.

Sa ginanap na mediacon sa Music Box, Timog Quezon City last June 11 para kina Christi Fider, Bernie Batin at Shira, maraming mga kasama sa media ang gandang-ganda sa 16 year old na si Shira at sinabing puwede itong maging beauty queen in the future.   

Pero ayon kay Shira, mas gusto raw niyang maging model at ngayon ay naka-focus siya sa kanyang singing at acting career.

Sambit ni Shira, “Matagal ko na rin pong napag-isipan. Pero for me po, it’s not what I want. Siguro po, modelling, ‘yun po talaga ang gusto ko. 

Nakatutok ngayon ang dalagita sa promo ng kanyang debut single titled ‘Pag-Ibig’ na komposisyon ni Direk Joven Tan. “The whole process po talaga, I was really grateful. Kasi po it made me pursue what I really want, what I love, being a singer.

“Kasi po since I was 3 years old, I really love to sing and to perform. So, I’m very thankfiul na ngayon po ay nagagawa ko iyon,” aniya pa.

Nagkuwento si Shira ukol sa kanyang single. “Yes po, it was just released recently and I’m happy and grateful.

“Iyong kanta po is about love, The song’s message is that while love isn’t perfect, we’ll always strive to fall in love again no matter how many times we’re let down.”

Una namin siyang napansin sa pelikulang Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko (The Music of Rey Valera) na pinagbidahan ni RK Bagatsing. Pero ikatlong pelikula na ito ni Shira.

Kuwento niya, “My first ever movie was Sugat sa Dugo directed by Danni Ugali and was produced by Miss Bambbi Fuentes (her manager) and my mom (Tine Areola).

“I have done three movies which are Sugat sa Dugo where I played the role of Anna and Tuloy, Bukas Ang Pinto, I was the young Rossana Roces there. Then iyong movie po na Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko as the young Sharon Cuneta.”

Esplika pa niya, “I’ll be having many more film projects to come this year. Then I am also a commercial model, I have done Hersheys and Smart commercial.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Angelica Panganiban Four Sisters and a Wedding

Angelica bubog ang Four Sisters and a Wedding

SA wakas binigyang linaw na ni Angelica Panganiban ang pelikulang tinanggihan niya noon na hanggang ngayon ay …

MMFF MMDA

MMDA pumagitna pagdaraos ng advance screening ng 8 entries

PUSH NA’YANni Ambet Nabus TAMA naman ang naging solusyon ng MMDA na mangialam sa pagdaraos ng advance …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Sylvia sa I’m Perfect: Hindi namin ‘to ginawa para magpasikat

MATABILni John Fontanilla DREAM come true para sa producer ng Nathan Studios, Sylvia Sanchez na gawin ang pelikulang I’m …