Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Itan Magnaye Ma-an L. Asuncion-Dagñalan Hershie de Leon, Mon Mendoza Angelica Cervantes Vance Larena

Vance Larena, gaganap na tarantadong pulis sa Home Service

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

IPINAHAYAG ni Vance Larena na isang corrupt na parak ang papel niya sa pelikulang Home Service na mula sa Viva Films at 3:16 Media Network ni Ms. Len Carrillo.  

Panimula niya, “Ang role ko po sa movie ay si sarhento, a corrupt policeman with an aura of an authoritarian.”

Pahayag pa ni Vance, “Ang Home Service, ito ay istorya ni Happy na isang estudyante na nagtatrabaho bilang masahista thru home service.

“Magiging biktima at involved siya sa isang krimen at mula rito iikot ang istorya kung papaano nya ito malalagpasan.”

Mula sa pamamahala ni Direk Ma-an Asuncion-Dagnalan, tampok dito sina Hershie de Leon, Mon Mendoza, Itan Rosales, at Angelica Cervantes.

Matindi raw ang mga love scene sa pelikulang ito?

Tugon ni Vance, “Matindi nga po. Kahit ako nagulat noong napadaan ako sa station nila direk, hindi ko sinasadyang makita pero matindi nga po ang nakita ko.”

Gaano siya ka-daring dito at paano nag-prepare?

“I read the script and did my character study. I also had to cut my hair,” pakli niya.

“Actually, hindi daring si sarhento sa pelikulang ito, tarantado siya at mapagsamantala,” sambit pa ng tisoy na alaga ni Tyronne James Escalante.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …