Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Wilbert Tolentino

48th birthday celebration ni Wilbert Tolentino, kompletos rekados sa saya at surprises

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

ISANG memorable na 48th birthday celebration ang ginanap para sa kilalang internet personality, YouTuber, talent manager, businessman, at philanthropist na si Wilbert Tolentino last Thursday sa Palacio de Manila.

Kompletos rekados ito sa saya at surprises, complete with production number pa ito mula sa iba’t ibang dance groups, may mga nag-model, may nag-comedy, at may mga kumanta. May mga nanalo rin ng cash sa masuwerteng nakakita nang mahiwagng sobre sa kanilang tables.

Anyway, present sa gabing iyon sina  Ima Castro, Derrick Monasterio, Sheryn Regis, Sephy Francisco, Myrus, Ima Castro, Whamos, Team Horror, Derick Monasterio, Flow G, Skusta Clee, atbp.

Ang dalawang talents ni Wilbert na sina Madam Inutz at Herlene ‘Hipon’ Budol ay nandoon din na sumabak sa isang nakaka-indak at masayang production number.

Sa nasabing engrandeng okasyon, nabanggit ni Wilbert ang kanyang birthday wish.

Aniya, “Wala akong hinihiling na materyal na bagay para sa akin. Prayers lang na magkaroon ako ng good health ay okey na sa akin, nang sa ganoon ay mas makatulong pa tayo sa mas maraming tao Bilang Ka-freshness.

“Kung anoman ang narating ko sa buhay ay kasa-kasama ko kayo. Sobrang proud ako kasi nakapag-share ako ng house and lot sa umbrella ko pa nga lang.”

Dagdag na esplika pa ni Wilbert, “Hindi dapat ako magse-celebrate pero kasi iyong mga staff ko naghanda. Sina Kendall at Mama Genesis kaya ayun, ginawa ko na rin itong opportunity para nakapagpasalamat at para maka-inspire.”

Ibinalita rin niya ang nalalapit na pagpapalabas ngayong June ng kauna-unahang teleseryeng pagbibidahan ng kanyang alagang si Herlene Nicole Budol, ang“Magandang Dilag, kasama si Benjamin Alves.

Pati na ang muling paglaban ni Herlene sa isang prestigious beauty pageant, ay nabanggit din ng birthday boy na si Wilbert.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …

Bela Padilla Rekonek

Bela Padilla kayang mabuhay nang walang internet, tampok sa MMFF entry na “Rekonek”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG overseas Filipino worker (OFW) ang papel na ginagampanan ni …

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …