Saturday , December 21 2024
BPLO Bureau of Permits and Licensing Office redtape

Aprub kay Marcos
‘SINGLE OPERATING SYSTEM’ SA GOV’T TRANSACTIONS

INAPROBAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr.,  ang paglikha ng isang single operating system para sa lahat ng transaksiyon ng gobyerno upang matiyak ang mabilils na pagnenegosyo sa bansa.

Sa isang sektoral na pagpupulong para sa pagpapahusay ng burukrasya, sinabi ni Pangulong Marcos, dapat isaalang-alang ng iba’t ibang ahensiyang gumagawa ng code o patakaran ang mga pagkakaiba sa pagitan ng pambansang burukrasya at iba’t ibang local government units (LGUs).

May mga teknolohikal na dahilan, gayondin ang pampolitika at lokal na pagsasaalang-alang upang sumunod sa batas at kailangang harapin ng gobyerno ang mga isyung iyon, sabi ng Pangulo.

“I think it may help when you’re writing the code or when you’re putting the system together, you’re going to have to think about the differences between the national bureaucracy and the different LGUs,” sabi ng Punong Ehekutibo.

“Those are the things that we still work with. The questions we were trying to bring it down to that level, and the local governments are really part of that thing. You’ve seen how it can happen. That’s what we need to address,” giit ng Pangulo.

Sinabi ng mga opisyal ng gobyerno na nakipagpulong sa Pangulo, iyon ang dahilan kung bakit ang Department of Information and Communications Technology (DICT) at ang Anti-Red Tape Authority (ARTA), ay nagmamapa ngayon sa mga proseso ng iba’t ibang ahensiya upang makasama nila ito sa isang iisang sistema.

Maging ang mga LGU, anila, ay sakop ng pagpapabilis sa paggawa ng batas sa negosyo, partikular sa ilalim ng Seksiyon 11, na nag-aatas sa kanila na mag-set up at gawing tradisyonal ang electronic business na one-stop-shop, batay sa estandarisasyon ng mga kinakailangan ng LGU.

Inatasan ng Pangulo ang DICT at ARTA na tulungan ang mga LGU sa pagpapatibay ng Business Permits and Licensing Systems in All Cities and Municipalities (BPLS) system.

Sinabi ng mga opisyal na nagsagawa sila ng mga konsultasyon sa stakeholder na kasama ang lahat ng ahensiya ng gobyerno upang tingnan ang kanilang mga proseso at mga pangangailangan sa layuning hikayatin silang gumamit ng pinag-isang application form, na nag-uugnay sa network na nagtatayo ng isang “one-stop-shop.”

Ang panukala, anila, ay palalawigin ang coverage sa iba pang uri ng negosyo tulad ng ginawa ng Department of Trade and Industry (DTI) sa paglikha ng one-stop-shop para sa big-ticket investments.

Sinabi ng mga opisyal mula sa mga ahensiyang nabanggit, tinitingnan nila ang pagsasama-sama ng lahat ng mga proseso para sa mga migranteng manggagawa, maritime, gayondin ang mga industriya ng pagpapadala, dahil napansin nila ang pagpapahusay at mga proseso sa pamamagitan ng pagsasama-sama nito sa pamamagitan ng pagbabahagi ng mga datos.

Ang pinakamahusay na paraan upang mabawasan ang mga kinakailangan at oras ng pagpoproseso, aniya, ay ang paggamit ng mga ahensiya ng gobyerno sa pagbabahagi ng data upang ang mga dokumentong isinumite sa isang ahensiya ay hindi na kailanganin sa iba.

Upang matiyak ang pinalakas na pagpapatupad ng mga hakbangin sa streamlining at digitalization, hinihiling ng ARTA ang pag-aproba sa mga iminungkahing pagbabago sa Executive Order No. 482, serye 2005, upang gawin itong tumutugon sa kasalukuyang sitwasyon gayondin ang pagpapalabas ng kaukulang Administrative Orders at EOs.

At, upang matiyak ang pagsisikap ng administrasyon sa streamlining at pagpapahusay ng mga serbisyo ng gobyerno, sa pamamagitan ng Ease of Doing Business (EODB) program, ay nagsasagawa ng TradeNet, Manual for the Reengineering of Business Permits and Licensing Systems in All Cities and Municipalities (BPLS Manual) at Streamlined Guidelines for the Issuance of Permits, Licenses, and Certificates for the Construction of Shared Passive Telecommunications Tower Infrastructure (PTTIs).

Kabilang sa mga nakipagpulong sa Pangulo sina DTI Secretary Alfredo Pascual, Interior and Local Government Secretary Benjamin Abalos, Jr., Information and Communications Technology Undersecretary David Almirol, Jr., ARTA Director General Ernesto Perez at Customs Commissioner Bienvenido Rubio. (ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …