CHECKMATE
ni NM Marlon Bernardino
NAKATATABA NG PUSO pag nalalaman nating may mga kababayan tayo at kapwa chess player na nagtatagumpay sa kanilang piniling propesyon.
Nakatutok ang magkakapatid na Cafirma na sina Elizsa Gayle, Edel Fay, at Elize Caryl sa kanilang negosyo na world class “donut.”
Yes, ang patuloy na gumagawa ng pangalan sa buong Ilocos Norte ang Thick and Thin Cafe donut na maihahalintulad sa mga bigating donut na umaalagwa naman sa merkado hindi lang sa Metro Manila at sa Filipinas kung hindi sa buong mundo gaya ng Dunkin Donut, Mister Donut, Krispy Kreme at J.CO Donuts.
Sa 1st Executive Secretary Atty. Vic Rodriguez invitational rapid chess tournament na ginanap sa Open Kitchen Foodhall ay natikman ng mga kalahok ang napakasarap na Thick and Thin Cafe donut na dinarayo ng mga kababayan natin sa Metro Manila patungo sa Ilocos Norte para matikman ang ipinagmamalaking donut sa Norte.