MANILA — Inaasahang mapapalaban nang husto sina International Master Ronald Dableo, Woman National Masters Antonella Berthe Racasa, at April Joy Claros sa pagtulak ng Angeles City FIDE Rated Chess Festival sa 10 Setyembre 2022 na gaganapin sa Marquee Mall Activity Center sa Angeles City, Pampanga.
“We invite all chess players and enthusiasts to one of the biggest Chess Tournaments hosted by the Angeles City LGU,” sabi ni National Arbiter Jose Fernando “Fer” Camaya.
“The Angeles City FIDE Rated Chess Festival to be held at Marquee Mall Activity Center, Angeles City Sports Office in partnership with International Development Industrial Foundation, Inc., bring you this chess tournament which is also sanctioned by the National Chess Federation of the Philippines (NCFP),” dagdag pa ni Camaya.
“It will be a very tough match against the Bulacan and Pampanga chess players. Not to be outdone are players from the nearby provinces as well from Metro Manila,” sambit naman ni Dableo na hindi malilimutan ang pagkampeon niya sa 2003 Asian 3.2a Zonal Chess Championships sa Vungtau, Vietnam.
Nakataya sa open individual chess tournament na suportado ni Angeles City mayor Carmelo G. Lazatin, Jr., ang P20,000 plus trophy sa magkakampeon.
Maisusubi ng second placer ang P10,000 plus trophy, matatangap ng third ang P7,000 plus trophy habang maiuuwi ng fourth at fifth placers ang tig P4,000 at P3,000, ayon sa pagkakasunod.
May nakalaan sa Sixth hanggang 10th placers na tig P2,000, pabuya sa 11th hanggang 13th placers ang tig P1,000 habang hindi uuwing luhaan ang 14th hanggang 15th placers na may tig-P500.
May special category prizes na tig-P2,000 para sa top Women, Senior, College Male Player, at College Female Player.
Ang top 3 (three) Angeleños ay naghihintay ng papremyong P2,500, P2,000 at P1,500,ayon sa pagkakasunod.
Ang iba pang local bets na hahamon ay sina Tiv Omangay, Louie Nisperos, Kristoff Bautista, Zaldy Donato, Marcus Paruli, Andrei Bunagan, at Lester Jones Paruli.
Mismong si NCFP Director F/Chief Superintendent Jonas R.Silvano ang naimbitahang guest speaker sa formal opening ng nasabing chessfest habang si International Arbiter Patrick Lee ang chief arbiter sa nasabing torneo na layuning mai-promote ang chess sa grass roots level at makadiskubre ng future chess talents.
Makipag-ugnayan kay National Arbiter Jose Fernando “Fer” Camaya sa kanyang mobile number 09158824752 para sa karagdagang detalye. (MB)