MANILA–Patungo si Zoe Ramos sa Bulacan na umaasa na mas lalong mapaganda ang kanyang national ranking bukod sa muling pagbibigay ng karangalan sa bansa.
Kasama ang kanyang coach na si Jose Fernando Camaya ay makikipagtunggali si Ramos sa National Age Group Chess Championships Grandfinals na tutulak mula Hulyo 19 hanggang 24, 2022 na gaganapin sa Robinsons Mall sa Malolos City, Bulacan kung saan ay magsisilbing punong abala si Mayor Christian Natividad.
“I will do my very best,” sabi ni Ramos na student ng Sta Cruz Elementary School sa Porac, Pampanga.
Matatandaan na si Ramos ay naging overall 10th placer sa U-12 Girls Category ng National Age Group Chess Championships semifinals nitong Mayo 26 hanggang 29, 2022 virtually na ginanap sa Tornelo Platform.
Si Ramos na nasa kandili nina Porac, Pampanga Mayor Jaime ‘Jing’ Capil at Kagawad Sunday Sampang Dizon ay grandfinalist din ng National Youth and School Chess Championships.
– Marlon Bernardino –