BILANG suporta ng Philippine Sports Commission’s (PSC) para i-promote at patatagin ang sports development sa bansa, ang national sports agency ay pinalawak ang kanilang paglapit sa komunidad at pamilya para himukin silang tanggapin ang sports sa pamamagitan ng various programs na ipinatupad sa buong taon.
Ang isang programa ay ang Laro’t Saya sa Parke (LSP), na inilunsad siyam na taon na ang nakalilipas at patuloy pa ring lumalarga sa local communities sa buong bansa, na itinampok ito sa PSC’s web series “Rise Up! Shape UP!’
Handang ipagpatuloy ni PSC Oversight Commissioner for Women in Sports Comm. Celia H. Kiram ang Laro’t Saya sa Parke program, na nagbenipisyo ang 4 million families mula sa metro hanggang malayong lokalidad sa bansa.
“PSC has always supported sports appreciation and development at the grassroots. Through Laro’t Saya sa Parke, we have a nationwide sport for all program that allows families to bond through sports, encourage kids to play as well as provide an opportunity for a continuing active and healthy lifestyle for all through physical fitness and sports.”
Panauhin sa episode si Dr. Lauro “Larry” Domingo, PSC’s Planning Division Chief, para pag-usapan ang legal bases ng programa, ang development framework, at ang mga larong kasama sa programa maging ang benepisyo sa paglahok sa LSP.
Kasali rin sa episode si Dr. Rizason Ng na tatalakayin ang health benefits ng ‘play therapy’ lalo na sa mga kabataan.