Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
EJ Obiena

EJ Obiena naghari sa german meet

 IBINULSA ni Filipino pole vault sensation EJ Obiena ang kanyang ikaanim na gintong medalya ngayong taon pagkaraang pagharian niya ang Jump and Fly tournament nung Linggo sa Hechingen, Germany.

Nilundag ni Obiena ang 5.80 meters sa kanyang ikatlo at pampinaleng attempt para sa gintong medalya.   Ang maganda niyang performance sa nasabing torneyo ay pambawi niya sa pangit na inilaro sa Stockholm Diamond League noong June 30 na kung saan ay pumuwesto lang siya ng pang-anim.

May pagkakataon sanang burahin ni Obiena ang itinakda niyang Asian record na 5.93 meters  pero bigo siyang  malundag ang 5.94 mark.

Pumangalawa sa torneyo si Chinese pole vaulter Huang Bokai  na may naklarong  5.50 meters,  samantalang si German Ace Vincent Hobbie ay tumapos ng third place na may 5.1 meters.

Ang Jump and Fly tournament ay ikalawang torneyo na pinagwagian ng ginto ni Obiena ngayong linggo.  Sa Taby Stavhoppsgala tournamant sa Sweden ay nagtakda siya ng personal season-best mark ng 5.92 meters.

Pinagharian din ng Filipino pole vault star  ngayong taon ang 31st Southeast Asian Games sa Vietnam, European City of Sports event sa Italy, Orlen Cup  at Orlen Copernicus Cup sa Poland.

Nakatakdang lumahok si Obiena sa 2022 World Athletics Championships mula July 15 hanggang 24 sa Oregon.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

UAAP DLSU NU

DLSU panalo sa NU

TINALO ng De La Salle University ang may twice-to-beat advantage na National University, 87-77, nitong …

Bambol Tolentino Alexandra Eala Bryan Bagunas

Eala, Bagunas napiling flag bearer ng Team PH sa 33rd SEA Games sa Bangkok

IPINAHAYAG ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino ang pagpili sa dalawa sa …

ArenaPlus Gilas Pilipinas

ArenaPlus and Gilas Pilipinas team up for the upcoming FIBA World Cup Asian Qualifiers

ArenaPlus renews its sponsorship with Gilas Pilipinas, ahead of the 2027 FIBA World Cup as …

FIFA Futsal Womens

Nangungunang Brazil Makakaharap ang Asian Champion na Japan sa Pag-init ng Futsal Quarterfinals

MGA LARO NGAYON(PHILSPORTS ARENA)6 P.M. – PORTUGAL VS ITALY8:30 P.M. – BRAZIL VS JAPAN MAKAKAHARAP …

Criss Cross King Crunchers

King Crunchers, Sinungkit ang Kasaysayan! Dinurog ang Japan sa Epikong Limang-Set para sa Spikers’ Turf Title

SA WAKAS, nakamit ng Criss Cross ang matagal nang inaasam na korona sa Spikers’ Turf—hindi …