Friday , November 15 2024
Lunod, Drown
Lunod, Drown

Nag-swimming nang lasing
60-ANYOS KAMBAL NA SENIOR CITIZENS NALUNOD, PATAY  

DALAWANG matandang lalaki ang nalunod sa dagat, nang magpasyang lumangoy kahit nakainom ng alak sa bahagi ng Brgy. Nibaliw Vidal, bayan ng San Fabian, sa lalawigan ng Pangasinan, nitong Martes, 19 Abril.

Kinilala ng pulisya ang mga biktimang 60-anyos kambal na sina Robaldo at Reynaldo Garbo, kapwa residente sa Brgy. Sta. Ines, bayan ng Manaoag, sa nabanggit na lalawigan.

Ayon sa ulat ng pulisya, isinalaysay ng isang kaanak ng mga biktima na parehong nakainom ng alak ang kambal nang magtungo sa dagat upang lumangoy ngunit tinangay sila ng malakas na alon.

Nagawang makuha ng kanilang mga kaanak ang kanilang mga katawan patungo sa dalampasigan ngunit pareho silang wala nang malay.

Tinangka ng mga rescuer na isalba ang buhay ng kambal ngunit bigo silang mailigtas ang mga biktima.

Dinala ng mga rescuer mula sa San Fabian LGU ang magkapatid sa Region I Medical Center ngunit idineklarang dead on arrival. (K. OROZCO)

About Karla Lorena Orozco

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …