Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Atty. Alex Lopez, dinudumog pinagkakaguluhan ng maraming manilenyo

YANIG
ni Bong Ramos

MASYADONG umanong dinudumog at pinagkakaguluhan ng maraming Manilenyo si Atty. Alex Lopez saanmang lugar magpunta mula 1st district hanggang 6th district ng Lungsod ng Maynila.

Iba raw anila ang karisma at dating ni Lopez sa mga residente ng Maynila kung ikokompara sa mga kapwa niya kandidato. Nararamdaman daw talaga ang presensiya.

Si Lopez ay isa lamang sa mga kandidatong tumatakbo para sa pagka-alkalde ng lungsod ng Maynila, tandem niya ang aktor na si Raymund Bagatsing bilang bise alkalde.

Malayong-malayo raw sa ibang mayoral candidate si Lopez lalong-lalo na pagdating sa pakikisalamuha sa mga taong kanyang binibisita saanmang dako ng Maynila.

Hindi anila alintana at hindi rin pinapansin ang panganib na maaaring idulot sa kanya ng kasalukuyang pandemya partikular sa kanyang pakikipagkamay, pagyakap at kung minsa’y may kasama pang beso-beso.

Iba rin daw ang respetong ibinibigay nito sa senior citizens at mga taong nakatatanda sa kanyang pagmamano at pagyakap nang buong higpit.

Ang karakter ni Lopez ang dahilan kung bakit taos-puso siyang tinatanggap ng mga Manilenyo kahit saang dako mapadpad lalong-lalo sa 1st at 2nd district sa Tondo, Maynila.

Siya ay tumatakbo sa ilalim ng partido at sinasabing UniTeam ni Senator Bongbong Marcos at Davao city mayor Inday Sara Duterte na labis din humahanga sa kanyang kababaang-loob.

Si Atty. Lopez ay isa sa mga anak ni dating Manila Mayor Gemiliano “Mel” Lopez na nagsilbi rin nang halos tatlong dekada bilang konsehal hanggang maging Mayor ng lungsod.

Ang kanyang amang si Mel Lopez, ayon sa ilang politiko at mga kapwa niya naging alkalde ang nagsasabing si Mel ay “One of the best mayor, Manila ever had.”

Kung siya ay papalarin, ipinapangako ni Atty. Lopez na gagawin niyang lahat ang kanyang makakaya para sa kapakanan ng Manilenyo. Pipilitin din daw niyang muling maging pamoso at number city ang lungsod ng Maynila sa buong bansa.

Sisikapin daw niyang magkaroon ng trabaho at hanapbuhay ang mga mamamayan partikular ang mga vendor sa lugar ng Divisoria at iba pang lugar ng kalakalan.

Hindi naman aniya kailangang ipagtabuyan abg mga vendor dahil kinalakihan na nila ang ganitong diskarte’t hanapbuhay. Dito rin lang aniya umaasa ang pamilya at mga kamag-anak nila.

Malaki ang paniniwala ni Lopez na kailangan lang ilagay sa ayos, magkaroon ng sistema, disiplina, at lagyan ng hantungan at limitasyon ang mga lugar at puwesto na hindi maaapektohan ang pedestrian at takbo ng trapiko.

Kung sinasabi at ipinapalagay ng marami na tapos na ang laban dahil mayroon nang nanalo bilang presidente ng bansa, meron na rin sigurong nanalo at bagong mayor ang Lungsod ng Maynila sa katauhan ni Atty. Alex Lopez.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Bong Ramos

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …