Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Konting kembot na lang
LA UNION P4.7B BYPASS ROAD PAKIKINABANGAN NA

AKSYON AGAD
ni Almar Danguilan

GOOD NEWS sa mangangalakal, maging sa mga biyahero, ilang kembot na lang ay tuluyan nang pakikinabangan ang proyekto ng Department of Public Works and Highways (DPWH) — P4.7-bilyong bypass road.

Mapapabilis na ang lahat — lalo ang pagbibiyahe ng kalakal at iba pa. Siyempre, kapag mabilis ang lahat ang resulta ay mabilis ang pag-angat ng ekonomiya.

Ang tinutukoy na proyekto ay ang bypass road na magsisilbing alternatibong ruta sa Manila North Road para sa mga biyahero mula Bauang, San Fernando City, at San Juan, La Union.

‘Ika nga ng DPWH ay 80.12% nang tapos ang proyekto. Meaning, beinte posiyento na lang. Kaya, kaonting kembot na lang at ayos na ang buto-buto.

“A total of P4.697 billion is required to fully complete the whole stretch of the bypass road, of which, P2.026 billion (was) released from 2018 to 2022,” pahayag ng pamunuan ng DPWH.

“The bypass road project based on total released funds managed to reach an accomplishment rate of 80.12%,” dagdag nito.

Ang 22.2-kilometer Bauang-San Fernando City-San Juan Bypass Road project ay inaasahang magpapaluwag sa daloy ng trapiko sa Manila North Road section sa pagitan ng Barangay Payocpoc, Bauang at Barangay Taboc, San Juan.

Ang project na nagsimula noong 2018, ay may dalawang sections: ang 7.8-kilometer Bauang Section at ang 14.4-kilometer San Fernando City – San Juan Section.

Ang bypass ay magsisilbing tagapag-ugnay sa iba pang major roads tulad ng Bauang-Baguio Road, San Fernando-Bagulin Road at San Juan-San Gabriel Road na patungong Kapangan, Benguet.

Sa highway, kinakailangan ng 18 tulay rito pero, huwag mag-alala dahil tulad nga ng nabanggit, 80 porsiyento na ang natapos dito kung saan ayon sa departamento ay may tatlo nang natapos, ang isa ay kasalukuyang ginagawa habang ang 14 pang tulay ay naghihintay ng pondo.

Aba’y aprobahan na ninyo iyan, kayo riyan sa DMB, tutal ang sambayanan naman ang makikinabang sa bypass road na ito. Bilis at huwag nang magpatumpik-tumpik pa.

“We understand that a properly-realized road network plays a vital role in nation-building. That is why the DPWH vows to continue providing much-needed road infrastructure to promote economic development all over the country,” pahayag ni Acting Public Works Secretary Roger G. Mercado.

At heto ang isa pang magandang balita, ayon sa departamento, para sa taong ito ay malamang na uunahin nang buksan ang 2.64 kilometers para sa Bauang Section, gayondin ang pagtatayo ng Bauang Bypass Bridge na may sukat na 895.9 meters, habang magbubukas din ang panibagong 1.87 kilometers na daan para sa San Fernando City – San Juan Section.

“The rest of the bypass road project is already programmed for implementation in 2023 and 2024, with funding earmarked at P2.671 billion,” pahayag ng departamento.

“When completed, travel time between the towns of Bauang and San Juan will be cut in half from the current one hour to just 30 minutes,” pagtitiyak ng DPWH.

And wait, dahil there’s more, gano’n? Opo, may isang kakaibang multi-purpose building project na may iconic architectural design ang itinatayo ng DPWH sa La Union na magsisilbing panibagong landmark sa Lungsod ng San Fernando.

Katunayan, personal na ininspeksiyon ni Secretary Mercado ang ginagawang pagtatayo ng P280-milyong La Union Convention Center Project sa Barangay Sevilla, San Fernando City, La Union nitong 23 Pebrero 2022.

Kasama ni Sec. Mercado sa ginawang project visit sina Undersecretaries Roberto R. Bernardo at Eugenio R. Pipo Jr.; Assistant Secretaries Antonio V. Molano, Jr., at Ador G. Canlas; Region 1 Director Ronnel M. Tan; at iba pang Regional at District officials ng Ilocos Region.

Ayon kay Director Tan, ang tatlong palapag na multi-purpose building na nasa isang burol, may kakaibang architectural at aesthetic design ay sumasalamin sa reputasyon ng La Union bilang surfing destination sa hilagang bahagi ng Filipinas. 

Ang floor area ng gusali ay may sukat na 2,000 metro kuwadrado at may kakayahang tumanggap ng 1,500 indibiduwal na bibisita sa convention center kapag may events tulad ng exhibits, conventions, tradeshows, meetings, programa ng gobyerno at ilan pang pampublikong gawain.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …