Thursday , December 11 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Micesa 8 Gaming PCSO - STL QC

Micesa 8 Gaming Inc., mgmt., pinalakas suporta sa  PCSO – STL  sa QC

MULING pinagtibay ng mga ahente ng Micesa 8 Gaming Inc.,  ang pangakong itaguyod ang integridad, transparency, at accountability sa mga operasyon nito bilang awtorisadong STL operator ng Quezon City,  sa ginanap na pulong sa Camp Karingal, Quezon City, na dinaluhan ng mga opisyal mula sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), at mga miyembro ng Quezon City Police District (QCPD).

Ang Micesa 8 Gaming Inc., ay isang korporasyong pag-aari ng karamihan ng mga Filipino na pinamumunuan ni President Carlos De Guzman Montemayor at Chief Operating Officer Vernice Guenivir Mariano, at Corporate Treasurer at Director Irene Bigornia Montemayor na siya ang namamahala para sa mayoryang interes para sa kompanya. Sama-sama rin silang naging instrumento sa pagtatatag ng pundasyon ng Micesa 8 bilang isang sumusunod, nakatuon sa komunidad, at lokal na pinamamahalaan na operator ng STL alinsunod sa mandato ng PCSO.

                Sa pulong, inianunsiyo ng mga opisyal ng kompanya ang pagbabago sa pamumuno upang lalong patatagin ang pamamahala at tiyakin ang episyenteng koordinasyon kabilang ang ahensya ng regulasyon at pagpapatupad.

Epektibo noong 3 Nobyembre 2025, itinalaga ng Board of Directors si Ms. Irene Bigornia Montemayor, bilang Acting Corporate Secretary (Interim), kapalit ni Atty. Krystyna Nicole de Lara Feliciano. Ang pagtatalaga ay suportado naman ng board resolution na pirmado nina Pres. Montemayor at COO Mariano, at Corporate Treasurer at Director Bigornia Montemayor. Ang aprobadong resolusyon ng Board of  Directors noong 3 Nobyembre ay ipinadala naman sa PCSO upang kilalanin.

Kasunod ng pagbabago, inilinaw ng kompanya na habang si Atty. Feliciano ang nananatiling shareholder, hindi na siya humahawak ng kahit anong posisyon sa korporasyon at hindi awtorisado na kumatawan o makipagtransaksiyon sa ngalan ng Micesa 8 Gaming Inc. sa anumang kapasidad.

“Micesa 8 is committed to maintaining the highest standards of accountability and public trust. This leadership enhancement will allow us to serve the people of Quezon City more effectively and in full alignment with PCSO’s mission,”pahayag ng pangulong si Carlos De Guzman Montemayor.

Mula nang opisyal na magsimula ng mga operasyon noong Oktubre 2025 sa ilalim ng awtorisasyon ng PCSO, ang Micesa 8 Gaming Inc. ay nakipagtulungan sa mga local authorities, pulisya, at mga stakeholder ng komunidad upang matiyak ang ayon sa batas at malinaw na mga aktibidad ng STL sa buong Quezon City.

“Our partnership with PCSO and QCPD ensures that our operations remain fair, transparent, and supportive of charitable causes. We are here to set the standard for responsible and community-driven gaming,” dagdag naman ni COO Vernice Guenivir Mariano. (ALMAR DANGUILAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

Araneta City Parolan bazaar

Araneta City sparkles more this season with annual Parolan bazaar

Every holiday season, Araneta City comes alive with its beloved Christmas traditions, including the giant …

NHA SJDM

Modernong Panunuluyan: Maralita naghahanap pa rin ng matatag na tahanan

MAHIGIT 500 maralitang residente at mga tagapagtanggol ng karapatang pantirahan ang nagmartsa patungong National Housing …

Brian Poe Llamanzares 2

Rep. Brian Poe nanawagan ng masusing pagsisiyasat sa kalagayan ng mga relokasyon para sa maralitang tagalungsod

QUEZON CITY — Iginiit ni FPJ Panday Bayanihan Party-List Representative Brian Poe, PhD, MNSA ang …

Goitia Bongbong Marcos BBM

Goitia: Pagtulak ni Pangulong Marcos sa Matapang na Reporma at Panibagong Pamumuno sa Gobyerno

Sa panahong muling sinusubok ang tiwala ng publiko sa pamahalaan, hiniling ni Pangulong Ferdinand Marcos …

Milette Santiago-Bonoan Mike Barredo Goody Custodio

Team Philippines Handa na sa Asian Youth Para Games sa Dubai

Dubai, UAE – Buong tiwala ang Team Philippines na mauulit o malalampasan nila ang kanilang …