I-FLEX
ni Jun Nardo
HIGIT na pinili ni Willie Revillame na pahalagahan ang pagkakaibigan nila ni Senator Manny Villar kaysa manatili sa GMA Network at ipagpatuloy ang kanyang Tutok To Win.
Malungkot pero parte na ng buhay ni Wilie ang mga Villar. Never siyang tinalikuran sa panahong walang-wala siya.
By the time you read this, naisiwalat na ng host ang dahilan ng hindi niya pag-renew ng kontrata sa GMA kahit pirma na lang niya ang hinihintay.
Pinairal ni Willie ang delicadeza. Ayaw niyang mag-show sa GMA habang nagtatrabaho siya sa ibang network.
Simula ngayong araw, wala na sa free TV si Willie. Pero sa pahayag niya, mapapanood pa rin siya sa Facebook at You Tube channel para mamigay ng tulong.
Malaki ang magiging hamon niya sa Villar network pero tinanggap niya ito. Abangan na lang natin ang muli niyang pagbabalik sa free TV.