Thursday , December 26 2024
Imee Marcos DOH

‘Wag umepal sa magulang DOH inupakan ni Imee

NAGALIT si Senador Imee Marcos sa inilabas na memorandum ng Department of Health (DOH) na may awtorisasyon ang gobyernong isnabin ang paghingi ng permiso sa mga magulang kung mismong mga bata ang gustong magpabakuna.

“Hindi puwedeng agawin ng gobyerno ang parental authority. May karapatan ang mga magulang na magpasya sa kalusugan at kaligtasan ng kanilang mga anak,” diin ni Marcos.

Inilabas ng DOH ang kontrobersiyal na memorandum noong 24 Enero, na nagsasabing puwedeng umaktong magulang ang gobyerno kapag ginustong magpabakuna ng isang bata pero hindi siya pinayagan ng kanyang mga magulang.

Isinasaad sa Pahina 6 ng Annex A ng memorandum na kapag hindi pinayagan ng magulang o tagapag-alaga na magpabakuna ang isang bata kahit gusto nito, o kaya kapag walang legal na awtorisasyon ang isang tao na umaktong magulang sa isang bata, ang estado ang puwedeng tumayong magulang at payagan itong magpabakuna.

Dagdag sa memorandum, ang mga opisyal na kumakatawan sa estado bilang kanilang magulang ay pwedeng pumirma sa consent form, gaya ng mga taga-Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa lungsod o munisipyo.

“Maraming dapat ipaliwanag ang DOH. Hindi ito ang unang pagkakataon na nakagawa ito ng mabigat na kasalanan sa publiko,” pahayag ni Marcos.

Noong Marso ng nakaraang taon, ibinulgar ng senador ang isang administrative order ng DOH na humaharang sa manufacturers ng ‘sin products’ sa pagbili ng mga bakuna sa harap ng kapos na supply sa bansa.

Matatandaan, inianunsiyo noong Disyembre ang pagbili ng 15 milyong dosis ng Pfizer vaccine para bakunahan ang 5-11 anyos bata, pero dahil sa aberya sa pag-angkat ipinagpaliban ng DOH ang pagsisimula ng pagbabakuna sa mga bata para sa Lunes.

“Umaasa tayong itinutulak na mabakunahan ang mga bata para sa kanilang kapakanan at hindi para isalba ang naunang nabiling bakuna ng pamahalaan,” ani Marcos.

Sa harap nito, nanawagan ang senador na bigyang atensiyon ang pahayag ng World Health Organization (WHO) sa iba’t ibang bansa na unahin munang makamit ang mataas na lebel ng pagbabakuna sa mga grupong nasa high-risk bago simulang bakunahan ang mga batang edad 5-11 anyos.

“Iprayoridad natin ang matatanda at ‘wag natin kaligtaang kompletohin ang bakuna ng mga grupong mas bantad sa virus, bago magmadaling bakunahan ang mas malulusog na mga bata,” dagdag ni Marcos. (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

Robin Padilla Cannabis Marijuana

Robin iginiit benepisyong medikal na makukuha sa cannabis

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MASIGASIG si Sen. Robin Padilla sa pagsusulong ng medical cannabis dahil naniniwala …

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …