Saturday , November 16 2024
fire sunog bombero

Ina nagpapataya ng jueteng
2-ANYOS PASLIT PATAY SA PINAGLARUANG LIGHTER NG 2 UTOL

ISANG 2-taong gulang na batang babae ang namatay nang masunog ang kanilang bahay dahil sa pinaglaruang lighter nitong Lunes ng umaga, 17 Enero, sa lungsod ng Anipolo, lalawigan ng Rizal.

Kinilala ni Fire S/Insp. Wennie Astrero, ground commander, ang namatay na biktimang si Vanessa Glee, 2 anyos, nakatira sa Chico St., Purok Sumulong, Brgy. dela Paz, sa lungsod. 

Sa imbestigasyon ni SFO1 Jayar Viduya, Fire Arson Investigator, dakong 9:19 am kamakalawa nang sumiklab ang sunog habang nasa loob ng bahay ang magkakapatid sa nabanggit na lugar.

Pahayag ng ama ng biktima na si Rolindo Glee, iniwan ng kanyang misis ang magkakapatid habang nagpapataya ng jueteng sa kanilang lugar. 

Agad nasagip ng mga kapitbahay ang mga kapatid ng biktima na may edad 7 anyos at 5 anyos ngunit hindi nasagip ang paslit sa pag-aakalang kasama ng ina sa pagpapataya. 

Dakong 10:03 am nang ideklarang naapula na ang sunog, at noon din nakita ang labi ni Vanessa sa natupok na bahay. 

Hindi na binanggit ni Viduya ang pangalan ng dalawang batang nakaligtas dahil sa trauma na dinaranas ngayon ng magkapatid.

Aabot sa P90,000 ang halaga ng pinsala ng nasabing sunog. (EDWIN MORENO)

About Ed Moreno

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …