KAUGNAY sa nalalapit na lokal at pambansang halalan, binalasa ang apat na chief of police (COP) sa lalawigan ng Rizal kasabay ng inilatag na gun ban ng Commission on Elections (COMELEC).
Pinalitan ni P/Lt. Col. Ruben Piquero si Tanay outgoing chief of police P/Lt. Col. Resty Damaso samantala inilagay bilang chief of police ng San Mateo PNP si P/Lt. Col. Joven Larga, Baras PNP si P/Capt. Raymund Oseam, at Morong PNP si P/Capt. Reinach Roy Fernandez Dapeg.
Ipinag-utos ang reshuffle ni CALABARZON Regional Police Director P/BGen. Eliseo Cruz sa layuning maiwasan ang familiarization at ‘bata-bata system’ ng mga nasa puwestong politiko na kumakandidato sa mga lokal na posisyon.
Inatasan ng opisyal na paigtingin ng mga COP ang kampanya laban sa mga goons para tiyakin ang mapayapang eleksiyon sa darating na 9 Mayo 2022.
(EDWIN MORENO)