Saturday , December 21 2024

Sa Pasig
3 GINANG, 1 PA TIKLO SA DROGA

KALABOSO ang tatlong ginang at isang lalaki nang bentahan ng ilegal na droga ang tauhan ng Drug Enforcement Unit (DEU) sa ikinasang buy bust operation ng mga awtoridad sa lungsod ng Pasig, nitong Sabado ng gabi, 4 Disyembre.

Kinilala ni P/Col. Roman Arugay, hepe ng Pasig PNP, ang mga nadakip na suspek na sina Henry Nipa, 40 anyos, rank no. 4 sa mga wanted drug personalities; Catherine Joyce Villanueva, 24 anyos; Russel John Pineda, 27 anyos; at Camille Cruz, 34 anyos, pawang mga residente sa nabanggit na lungsod.

Nabatid na dakong 7:15 pm kamakalawa nang arestohin ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ang mga suspek sa Ilang-Ilang St., Brgy. Kalawaan, sa naturang lungsod.

Nakompiska mula sa mga suspek ng grupo nina P/Lt. Julio Valle, Jr., at P/Lt. Jason Lovendino ang 20 gramo ng shabu na nagkalahalaga ng P136,000, kutsilyo, buy bust money, at shabu paraphernalia.

Kasalukuyang nakapiit ang apat na akusado sa himpilan ng pulisya at nakatakdang kasuhan ng paglabag sa Section 5 at 11, Article ll ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

(EDWIN MORENO)

About Ed Moreno

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …