Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

EXCLUSIVE/REMAT:
DQ ni BBM pinaghahandaan
SARA DUTERTE FOR PRESIDENT, ‘KASADO’ SA BALESIN TALKS

111121 HATAW Frontpage EXCLUSIVE REMAT

ni ROSE NOVENARIO

IKINAKAMADA sa Balesin Island Resort ng mga Ongpin sa Polillo, Quezon ang pinal na plano ng opisyal na pagsabak ni Davao City Mayor Sara Duterte sa 2022 presidential race.

Ayon sa source, ilalahad anomang oras ng kampo ng alkalde ang resulta ng negosasyon niya sa grupo ng partido Lakas-NUCD na pinangungunahan ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo at iba pang kaalyado niyang mambabatas na nasa Balesin mula pa noong Martes.

Noong Huwebes ay iniatras ni Sara ng kanyang re-election bid bilang alkalde ng Davao City.

Kabilang umano sa agenda sa Balesin talks ay ang inihain sa Commission on Elections (Comelec) na Petition to Cancel or Deny Due Course the COC (Certificate of Candidacy) laban sa anak ng diktador at dating Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., dahil sa tax evasion conviction noong 1995 bunsod ng kabiguang maghain ng kaniyang income tax returns noong siya’y gobernador at bise-gobernador ng Ilocos Norte mula 1982 hanggang 1984.

Ngunit kasama man sa agenda ang petisyon laban kay Marcos, wala ang anak ng diktador kahit ang kanyang kinatawan sa Balesin talks.

Anang source, ang pagsabak umano ni Sara sa presidential derby ay bilang paghahanda sa posibilidad na katigan ng Comelec ang petisyon laban kay Marcos.

Inaasahan umanong makararating sa Korte Suprema ang usapin at kung sakaling manalo si Marcos sa eleksiyon at magdesisyon ang Kataas-taasang Hukuman na kanselahin ang kanyang COC, ang nakakuha ng ikalawang pinakamaraming boto ang idedeklarang presidente ng bansa.

Isa umano si Marcos sa itinuturing na ‘balakid’ sa presidential bid ni Sara kaya nang pinutakti ang poll body ng petisyon laban sa kandidatura ng anak ng diktador ay nagpasya na ang alkalde ng Davao City na sumabak sa presidential race.

Sa kanyang column na Crosscurrents sa Phil. Daily Inquirer, ipinaliwanag ni dating SC Senior Associate Justice Antonio Carpio, may jurisprudence na itinuturing  na crime involving moral turpitude ang hindi pagbabayad ng income tax.

Basehan sa diskalipikasyon ng isang kandidato kapag nahatulan siya sa isang crime against moral turpitude.

“In the 1979 case of Zari v. Flores, the Supreme Court agreed with its investigating officer that “evasion of income tax” is a crime involving moral turpitude. Since failure to pay income tax, which is tax evasion, involves moral turpitude, then non-filing of ITR also involves moral turpitude. Consequently, the defenders of Marcos Jr., who readily admit that the crime he committed is failure to file ITR, necessarily also admit that he committed a crime involving moral turpitude,” ani Carpio.

Giit ng source, umaasa pa rin umano si Sen. Christopher “Bong” Go na pagbibigyan ni Sara ang kahilingan ni Pangulong Rodrigo Duterte na maging vice presidential bet ng alkalde.

Habang ang pakikipag-usap umano ng presidential bet na si Sen. Manny Pacquiao kay Pangulong Duterte ay indikasyon na aatras siya sa presidential race upang magbigay daan sa kandidatura ni Sara.

Sa Lunes, 15 Nobyembre 2021, ang huling araw ng paghahain ng candidate substitution.

Inaasahan na ang lahat ng galaw sa politika ng mga Duterte ay paghahanda sa pagbibigay proteksiyon laban sa mga kasong sasagupain ni Pangulong Duterte pagbaba sa puwesto.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

SM MSMEs Wall of Champions

SM Supermalls Unveils the 2025 Wall of Champions, Honoring Filipino MSMEs

2025 MSME Awardees and finalists gather at the SM for MSMEs Wall of Champions, joined …

Aspin Kobe Putol Dila

Naputol na dila ng aso resolbado na
‘Dog eat dog’ literal na naganap sa kaso ng Aspin na si Kobe

HINDI TAO kundi kapwa aso ang suspek sa pagkaputol ng dila ng Asong Pinoy (AsPin) …

Krystall herbal products

42-anyos BPO employee “open secret” paggamit ng Krystall Herbal Products sa kanyang co-workers

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,                 Isang magandang …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Ang sabsaban at ang masa:  
Pagharap sa korupsiyon ngayong Pasko

PADAYONni Teddy Brul TUWING Pasko, paulit-ulit nating ginugunita ang kapanganakan ni Hesus sa isang sabsaban—isang …

Goitia PCG PH Army

Goitia: Ang Pag-atake sa Escoda Shoal ay Maaaring Ituring na Deklarasyon ng Digmaan

Sinasadyang Karahasan sa Kabuhayan ng Pilipino Ang pagkasugat ng tatlong mangingisdang Pilipino at pagkasira ng …