TINIYAK ni Mayor Jeri Mae Calderon at Vice Mayor Jerry Calderon ng Angono, Rizal, na mayroong 500 bakuna ng Pfizer at Moderna para sa mga kabataang 12-17 anyos, ngayong araw ng Miyerkoles, 8 Nobyembre.
Kahapon Martes, 9 Nobyembre, inianunsiyo ng lokal na pamahalaan ng Angono sa kanilang Facebook page na 500 bakuna ang nakalaan para sa mga residenteng edad 12-17 anyos na una nang nakarehistro sa online.
Mahigpit na ipinatutupad ang no walk-in policy at tanging mga nakatanggap ng text confirmation ang babakunahan sa SM Center Angono.
Ipinahayag ng lokal na pamahalaan na nasa 50 porsiyento ng target adult population ang bakunado na sa kanilang bayan.
Samantala, isinagawa ang groundbreaking ceremony kahapon sa itatayong tertiary hospital na Medical Center Angono sa Don Mariano Santos Ave., Brgy. San Isidro, sa nabanggit na bayan. (EDWIN MORENO)