Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Alfred Vargas, PM Vargas

Ngiting Artista Program nina Alfred at PM mala-Shaina, Julia smile

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

NOON pa man palangiti na si Alfred Vargas. Hindi nga namin ito nakitaan ng pagka-suplado. Lagi siyang nakangiti kaya siguro ang pagkakaroon ng magandang ngiti ang isa sa mahalagang proyekto niya sa kanyang distrito sa Quezon City, ang District 5.

Ani Alfred na tumatakbong konsehal, proyekto nilang magkapatid na si PM Vargas na tumatakbo namang kongresista ng District 5 Quezon City ang Ngiting Artista Program. Isa ito sa mahahalagang proyekto nila ukol sa kalusugan para sa kanilang constituents.

“Isa ‘yung Ngiting Artista sa mga proud tayong projects through the years. More than a decade na natin itong ginagawa. At lahat ng nakatatanggap ng ngipin-pustiso tuwang-tuwa. 

“Rito natin makikita ang halaga ng magandang ngiti, isang confident na ngiti. Kasi ang sarap mag-aplay ng trabaho at magpa-interview kapag confident ka. 

“Kapag may maganda kang ngiti maganda rin ang pakikisama mo, a simple smile can make one person a very, very happy,” ani Alfred.

“Ang ngiting artista ay isang programa kung saan tayo ay nagbibigay sa ating mga constituent ng libreng pustiso since 2010. Konsehal pa lang si kuya (Alfred) ay nagbibigay na tayo niyan. 

“Napakaimportante niyan sa maraming tao kasi kahit kami kapag nag-iikot kahit hindi pa uso ang facemask tinatakpan nila ang bibig nila nahihiya talaga sila minsan kung kulang sila ng ngipin. 

“At siyempre hindi lang para sa magandang ngiti pero siyempre para sa kalusugan nila. Kasi kung wala kang ngipin paano ka ngunguya. Paano ka makakakain ng masasarap na pagkain tulad ng chicharon, crispy pata?,” sambit naman ni PM.

And speaking of magandang ngiti, natanong namin ang aktor kung sino para sa kanya ang may pinakamagandang ngiti sa mga artista.

Aniya, sina Julia Roberts, Jessica Alba, Diana Zubiri, at Shaina Magdayao.

Eh sino naman kaya ang nakapagbibigay sa kanya ng ngiti sa araw-araw. Sagot ni Alfred, ”Siyempre ang aking asawa at mga anak ang nagpapangiti at nagpapasaya sa akin sa bawat araw ng buhay ko.

“Malaki rin ang ngiti ko kapag nakita kong nakatulong ako sa ibang tao. More on fulfillment ang nararamdaman ko kapag ganoon. Ang sarap ng feeling.”

Kaya kung gusto n’yong magkaroon g ngiting mala-Julia, Shaina, Diana, at Jessica, mag-PMlang sa @pmvargasD5.

Katulong naman nina Alfred at PM sa Ngiting Artista Program si Dr. Milo at ang team nito. “Mayroon din kaming private partners ditto eversince na simula nang umpisahan naming ang project na ito, andyan din sila na tumutulong,” kuwento pa ni Alfred.

Sa huli sinabi pa ni Alfred na, ”Sana sa Ngiting Artista Program na ito, lahat ng ating mg aka-distrito makangit ng makangiti araw-araw at nakapagdala ito ng saya hindi lang sa bawat pamilya ng Novaleno kundi sa buong distrito. Patuloy pa an gating Ngiting Artista Program.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Love Kryzl

Single na “Kayong Dalawa Lang” ni Love Kryzl, swak para sa kasal nina Kiray at Stephan 

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG orihinal na love song ng talented na batang si …

Jojo Mendrez Mark Herras

Mark Herras, bumulaga sa music video ng “Ngayong Pasko’y Ikaw Pa Rin” ni Jojo Mendrez?

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio LABAS na ang music video ng Christmas song ni Jojo …

Kip Oebanda Bar Boys 2

Direk Kip ng Bar Boys ayaw sa political dynasty

RATED Rni Rommel Gonzales TUTOL ang Bar Boys: After School director na si Kip Oebanda sa nagaganap na political …

Rabin Angeles Angela Muji Jadine

RabGel bagong JaDine ng Viva

I-FLEXni Jun Nardo HAYOP ang unang character sa pelikula ng Viva artist na si Rabin Angeles. Sila ng …

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …