NAGPAHAYAG ang mga guro na nahihirapan makatawid sa ilog dahil sa sira-sirang tulay na kawayan sa bayan ng Tanay, lalawigan ng Rizal, na winasak nang manalasa ang bagyong Ulysses noong Nobyembre 2020.
Ibinahagi ng isang gurong kinilalang si Jerolyn Caber ang hirap umanong tumawid sa tulay na gawa sa kawayan at kahoy lalo na kung tag-ulan.
Aniya, sa tuwing masisira ay mga taong barangay ang nag-aayos, lalo nang wasakin ito ng nakalipas na bagyo.
Ilang residente rin sa lugar ang nagsabing wala umanong presensiya at tila dedma lang kay Tanay Mayor Rex Manuel Tanjuatco ang panganib hindi lang sa ilang guro kundi maging sa iba pang residenteng nagdaraan sa wasak-wasak na tulay.
“Paulit-ulit lang po ang nangyayari kapag may bagyo, pinagtutulungan ng taong-baranggay maayos ang tulay and then kapag bumagyo same struggle again,” ani Caber. (EDWIN MORENO)