Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Mister pinatay sa harap ng misis sa Pasig Edwin Moreno

Mister pinatay sa harap ng misis sa Pasig (Kaso pinapatutukan ni Eleazar)

SA KABILA ng nagkalat na close circuit television (CCTV) camera sa lungsod ng Pasig, nakuha pa rin makatakas ng isang gunman na pumaslang sa isang 32-anyos lalaki sa harap mismo ng kanyang asawa sa loob ng kanilang bahay sa Brgy. Bambang, nitong Sabado, 18 Setyembre.

Hindi na nakuhang isugod sa pagamutan ang biktimang kinilalang si Gilson Garcia na agad namatay sa loob mismo ng kanilang tahanan.

Ayon sa kanyang asawang si Maricel David, bandang 6:00 kamaka­lawa, nang pasukin sila ng isang armadong lalaking agad na ipinutok ang baril.

Ani David, katabi siya mismo ng biktima nang maganap ang insidente.

“Nakita ko lang naka-jacket siyang itim at nakasombrerong itim at mask na itim… Tapos payat at maliit,” ani David bagaman may suspetsa na siya kung sino ang nasa likod ng pamamaslang.

Nang tanungin ng awtoridad kung sino sa tingin niya ang maaaring nasa likod ng pamamas­lang, ani David, “Sila roon sa bukid… Sina Nano, Jonjon at Eboy… sila lang ang nagbanta noon sa asawa ko. Lagi nilang sinasabi sa akin ililibing na namin ‘yan ha… Malawak ‘yung paglilibingan dito. At walang makaaalam.”

Kaugnay nito, pinatu­tu­tukan ni Philippine National Police chief P/Gen. Guillermo Eleazar sa Pasig City PNP ang nasabing insidente ng pamamaslang.

Dahil dito, inatasan ni Pasig City chief of police, P/Col. Roman Arugay ang mga tauhan na magsagawa ng manhunt operation para maaresto ang mga suspek na brutal na pumatay sa biktima.

(EDWIN MORENO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed Moreno

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …