Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sunshine Guimar, Andrew E, AJ Raval

Andrew E may sariling formula, ‘di sumabay sa uso

HARD TALK!
ni Pilar Mateo

SA zoom media conference para sa bago niyang pelikula na magsisimulang matunghayan sa Vivamax sa Oktubre 8, 2021, ibinahagi ng rapper-comedian-composer-singer-actor na si Andrew E. na two and a half years ago eh, nagkasakit siya kaya bumagsak ang kanyang kalusugan na nakita sa kanyang pangangatawan.

Hindi naman naging dahilan ‘yun para matigil siya sa patuloy na paggawa ng pelikula sa itinuring na niyang tahanan sa mahabang panahon, sa Viva ni Boss Vic del Rosario.

Kaya ang tanong ko sa kanya ay kung paano siyang sumasabay sa mga pagbabago na may kinalaman sa kanyang sining, mapa-akting o sa pagra-rap.

Iba ang estilo ng Batang Donggalo.

“Thirty five years ago, hindi ako sumabay sa kung ano ‘yung mayroon halimbawa ang henerasyon na ito. Ang kailangan, may mag-lead o magsimula. Set trends. Sa comedy man or sa rap, ganoon. This is an ungrateful industry.”

Kaya, hindi na nakapagtataka kung bakit hanggang ngayon, may kinatutuwaan pa rin ang mga manonood, ang mahilig sa rap at sa klase ng pagpapatawa na inihahahain si AE.

Kaya ang tanong ko rin sa kanya ay kung paano nila, ng kanyang leading ladies na sina AJ Raval at Sunshine Guimary ipo-promote ang  Shoot, Shoot (‘Di Ko Siya Titigilan)  na idinirehe ni Al Tantay sa mga bibili ng tiket para mapanood.

“Wala kaming sasabihing mapupulot na moral values sa aming pelikula o mga lesson na mapupulot sila. Basta pure entertainment. Katatawanan. From start to finish. Na may istoryang siguradong marami ang makare-relate, kasi nangyayari naman sa totoong buhay. Pero ginawa in such a way na katutuwaan ng manonood.”

Dekada na nang isulat ni AE ang lyrics ng kantang Shoot, Shoot. May gumamit nito sa TikTok na nag-viral. Nag-trending. At napansin ito ni Boss Vic.

“Kaya noong sinabi sa akin ni Boss Vic na gagawin niyang pelikula with me in it, hindi na ako nagdalawang-isip. Tungkol sa LDR (long distance relationship) siya. And ‘am happy na naging komportable kami sa isa’t isa ng mga ibinigay na leading ladies sa akin ni Boss Vic.”

Pwedeng sabihing may ibang klase ng pormula na si AE pagdating sa klase ng pagpapatawa niya. At ang mga nagampanan niya noon sa Viva na mga proyekto ay pawang tumabo sa takilya.

Kaya nga sa trailer pa lang ng Shoot, Shoot mahigit 8.5 M views na ang hindi na maka-get over sa linya nila na nagbabanggit sa itlog at pechay sa matutunghayan sa pelikula na tatawa ka na nang tatawa sa kung paano nila ito itinawid.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Rhodessa Montano Belen

Mrs. Asia Pacific Intercontinental 2024 Rhodessa Belen tinulungan Philippine Delegates; Korona ipinasa sa bagong reyna

PORMAL nang nagtapos ang reign ni Rhodessa Montano Belen bilang Mrs. Asia Pacific Intercontinental 2024 o sa ginanap na Mrs. …

Piolo Pascual Manilas Finest

Manila’s Finest minarkahan ikatlong sunod na MMFF project ni Piolo 

HARD TALKni Pilar Mateo NINEETEEN sixty nine. Ten years old ako. Elementary.  Aware naman na …

MMFF MMDA

MMDA pinamunuan premiere night ng 8 kalahok sa MMFF 2025  

I-FLEXni Jun Nardo BINAGO ng Metropolitan Development Authority (MMDA) ang patakarang ngayon sa mga premiere night ng …

Derek Ramsay The Kingdom

The Kingdom gagawing TV series, Derek Ramsay magbibida

I-FLEXni Jun Nardo GAGAWING TV series ang pelikulang The Kingdom na pinagbidahan nina Vic Sotto at Piolo Pascualna ipinalabas last …

Celesst Mar

Fil-Am singer-songwriter iiwan America para sa local showbiz career

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MAHILIG sa dagat at malaking bahagi ng kanyang musika ay nagpapakita …