Saturday , January 17 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALK
ni Pilar Mateo

MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ the life. But not ‘la vids loca,’ ha.

Kasi, what he does now ay ine-enjoy ang mga sandali with his family. Lalo pa at dalaga at mga binata na ang mga anak nila ni Mylene (Yap- Espiritu).

And these days, most of the time, they are globe-trotting. Kung hindi abroad ay sa beaches around the country gaya ng Boracay! 

And the Pinoy rap artist cum composer record producer and businessman divides his time with the projects he gets his hands into.

And the magic continues. Luck is still on his side. At noong nakaraang 38th Aliw Awards, he was still bestowed the title Best Rap Artist of 2025, na ibinigay na sa kanya ng nagdaang taon. 

Sa nagdaang pagdiriwang ng ika-30 taong anibersaryo ng kanyang R.A.P. Artists of the Philippines, ‘di maipaliwanag ang katuwaan ng pangulo rin ng Dongalo Records sa  suporta ng mga rap artist sa kanya.

Kabilang sina Richie Rich, Chunese Mafia, Lowkey, BB Clan, Hi-Jakkk at marami pa na kung tawagin nga niya ay “veterans.”

Marami pang pa-gimmick ang rap icon para sa kanyang mga taga-suporta at nadagdagan pa ng halos 100,000 ang followers niya.

Hindi ko nga alam kung saan-saan nanggagaling ang mga ito. Pero nandyan sila. Kaya bilang pagbabalik ko ng pasasalamat sa kanila, magkakaroon ako ng pamamahagi ng aking collectibles.”

Na ayon nga sa kanyang better-half  na si Mylene ay umaapaw na sa kanilang bodega.

Kaya subaybay lang  lagi sa Andrewford Medina Worldwide page para sa mga detalye. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Rabin Angeles Angela Muji Crisanto B Aquino

Presyo ng tiket sa movie nina Rabin at Angela binabaan

MATABILni John Fontanilla MUKHANG magiging masaya ang mga supporter ng tambalang Rabin Angeles at Angela Muji dahil very affordable …

Paolo Gumabao Sara Sandeva Spring in Prague Ferdinand Topacio Marco Gomez

Topacio iginiit pamamahala ng MMFF ilipat sa FDCP, NCCA

I-FLEXni Jun Nardo MALALAMAN kay Atty. Ferdie Topacio na mahal niya ang local showbiz. Pati nga lumang …

Toni Gonzaga Paul Soriano

Toni inihalintulad sa dumi nagpapakalat ng maling tsismis sa power couple

I-FLEXni Jun Nardo TINABLA na ni Toni Gonzaga ang pagsama nila ng asawang si Paul Soriano na power couple …

Bam Aquino Bianca Gonzales Y Speak

Bam Aquino sasamahan nina Elijah at KD sa Y Speak

HINDI maiwasang magbalik-tanaw ni Senador Bam Aquino sa kanyang karanasan bilang host kasunod ng pag-anunsiyo ng pagbabalik …

GMA Regional tv

GMA artists bubusugin sa saya mga Pangasinense

RATED Rni Rommel Gonzales ISANG unforgettable evening ang tiyak na hatid ng ilang GMA stars sa mga …