Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jon Lucas, Divine, Ashley Ortega, Sheree, Eugene Sean M Aleta

Sheree na-challenge bilang killer yaya sa Wish Ko Lang

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

MAPAPANOOD sa isang mapanghamong papel ang sexy actress na si Sheree. Gaganap bilang isang killer yaya ang former member ng Viva Hot Babes sa Wish Ko Lang ni Ms. Vicky Morales this Saturday, 4pm sa GMA-7.

Kasama rito ng aktres sina Ashley Ortega, Jon Lucas, Joshua Zamora, at Divine, sa direksiyon ni Eugene Sean M. Aleta.

Isang taon pa lang kasal ang mag-asawang Andy (Ashley) at Ronnie (Jon). Abala ang dalawa sa kanilang mga trabaho, kaya naisipang maghanap ng kasambahay para alagaan ang kanilang anak at dumating si Stephanie (Sheree). Kapansin-pansin na maganda at sexy si Stephanie, pero palagay ang loob ni Andy rito. Kahit pa binalaan ng kanyang BFF na si Pipay (Divine), binalewala niya lang ito. Wala siyang kamalay-malay na hindi lang pala ang anak nila ang aalagaan ng kasambahay, pati pala ang kanyang mister.

Sa ngayon, higit 1.6 million views na ang teaser nito kaya tiyak na maraming magiging interesadong panoorin ito.

Nagkuwento si Sheree sa mapapanood sa kanila ngayong Sabado.

“Ako po si killer yaya, first time ko po sa Wish Ko Lang,” panimula ng aktres.

Paano niya pinaghandaan ang role rito? Aniya, “Sa totoo lang ‘di ako prepared dito. Kasi nabasa ko yung script pagdating ko na sa set. Pero buti na lang, kasi siyempre sa tagal ko na rin sa industry, marami na rin akong natutunan na ways to shift your character. I had to meditate and concentrate and put my self to the character. Inaral ko kung ano pinanggalingan niya and I applied and naghugot ako ng emotions based on how I see the character in real life.”

Nabanggit din niyang sobra siyang nag-enjoy sa ginampanang character dito.

“Sobra ko po naeenjoy ang mga ganitong characters po. The more na challenging yung role and character, the more ako na cha-challenge to create a character in my mind.

“Iba kasi yung medyo alam mo na, kaysa yung gagawan mo siya ng plot… saan ba siya galing, bakit siya naging ganyan… In a way, sa totoong buhay, very interested ako to learn different types of people. Kung bakit sila ganoon, bakit ganito? Para kasing it’s like an art, eh.”

Kamusta ka-work sina Jon at Ashley? “Napakagaan katrabaho nilang lahat… actually, kung gaano kami ka-creepy at problematic sa show, ganoon naman kami kasaya sa likod ng camera. Nagtulungan kaming lahat sa mga scenes, kami nila Joshua na gumanap na asawa ko, sila Ashley and Jon… Napakagaling din po kasi ng director namin, tinulungan niya kami sa characters and hinayaan niya kaming mag-create ng sarili naming vision sa character na binubuo niya sa isip namin.”

Ginanahan ba siya dahil challenging ang role?Tugon ni Sheree, “Pareho po, na-challenge at ginanahan ako sa role dahil kakaiba siya, acting piece siya. Kasi kailangan mong intindihin bakit siya naging ganon… And napaka-challenging, kasi ‘di naman ako ganyan sa totoong life. Luka-luka ako pero sa nakakatawang way. Ito kasi, nakakatakot siya in a sense na puwedeng mangyari sa real life. Kasi naka-experience rin ako ng ganyan na yaya, pero buti pinaalis ko siya agad-agad.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …

Bela Padilla Rekonek

Bela Padilla kayang mabuhay nang walang internet, tampok sa MMFF entry na “Rekonek”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG overseas Filipino worker (OFW) ang papel na ginagampanan ni …

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …